Christmas bonuses, free legal aid para sa mga barangay tanod
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbibigay ng Christmas bonuses at iba pang insentibo sa mga barangay tanods.
Ito ay bilang pagkilala sa ibinibigay na serbisyo para sa pagmementina ng peace and order sa komunidad.
Sa House Bill (HB) 10909, kabilang sa benepisyo na ilalaan sa mga barangay tanods ay ang libreng legal assistance at insurance coverage.
Gayundin, ang pagsama sa kanila sa livelihood programs ng national government o local government units (LGUs).
“Maraming barangay tanod ay nalalagay sa panganib ang buhay at minsan pa nga ay napapatay dahil sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Sa kabila nito, tila ba napabayaan na ang kanilang kapakanan sa ilalim ng ating mga kasalukuyang batas kung saan kakarampot ang kanilang mga benepisyo. Layunin nating mai-upgrade ang kanilang benefits para naman may sapat silang proteksyon laban sa mga posibleng panganib na maari nilang makaharap,” ani Yamsuan.
Sa ilalim ng HB 10909, ang bawat kuwalipikadong tanod ay entitled sa Christmas bonus na katumbas sa kalahati sa tinatanggap ng punong barangay.
Poprotektahan din ng HB 10909 tenure ng barangay tanod kung saan kapag na-appoint ay hindi basta matatanggal serbisyo maliban sa mga dahilan na nakapaloob sa barangay resolution na nagbuo sa barangay tanod brigade.
Sa ilalim ng panukala, ang desisyon sa pagtanggal sa barangay tanod ay depende sa desisyon ng sangguniang barangay. (Vina de Guzman)
-
Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns. Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang […]
-
Djokovic, nagpositibo sa coronavirus
Nagpositibo sa coronavirus si tennis world number one Novak Djokovic. Siya ang pinakahuling tennis player na nagpositibo sa nasabing virus kasunod nina Borna Coric, Grigor Dimitrov at Viktor Troicki. Ang 33-anyos na si Djokovic ay siyang huling nakalaro ng kapwa Serbian player na si Troiki sa unang event ng Adria Tour competition sa […]
-
Ads July 13, 2021