• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS

TULOY ang  “Christmas Convoy” na inorganisa ng  civilian organization para  sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa  WPS  dahil sa security reasons.

 

 

“The National Security Council (NSC) met with the leaders of Atin Ito! Coalition last week where — after a constructive dialogue — there was a meeting of the minds in the planned civilian-led Christmas Convoy to the WPS,” ayon kay NSC spokesperson at  Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang kalatas.

 

 

Ani Malaya, kapwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang  civilian convoy sa  BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay  hindi ipinapayo sa ngayon.

 

 

“Nonetheless, the planned Christmas Convoy will pass through the general vicinity of Ayungin Shoal as far as practicable, on its way to other selected Philippine-occupied features to bring Christmas cheer directly to our troops assigned to those areas as well as to our fisherfolk,” ayon kay Malaya.

 

 

Aniya, ang  convoy ay bibisita  at magdadala ng pagkain sa mga Filipino troops sa Pagasa Island.

 

 

“There, Christmas gifts and donated supplies for BRP Sierra Madre will be turned over to the Philippine Navy-AFP (Armed Forces of the Philippines) and to the Philippine Coast Guard for delivery during the regular rotation and resupply missions. By visiting the other Philippine-occupied features, the Christmas Convoy will be able to visit a vast area of the WPS and bring Christmas cheer directly to more fisherfolk and frontliners,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran ni Malaya na tinitiyak  sa kasunduan ang kaligtasan at seguridad ng  convoy maliban pa sa pagtiyak sa napapanahong  paghahatid ng donated items sa mga  Filipino fisherfolk at front-liners sa WPS.

 

 

“This also upholds the Philippines’ sovereign rights to the WPS,” ayon pa rin kay Malaya.

 

 

“We thank Atin Ito! Coalition for their cooperation and for finding common ground with the government in asserting and defending our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in pursuit of the national interest,” ang pahayag ni Malaya. (Daris Jose)

Other News
  • VP Sara, tumangging manumpa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability

    DUMATING sa unang pagdinig kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa naging paggamit ng pondo ng opisina ni Vice President Sara Duterte.   Bukod sa Office of the Vice President (OVP), iniimbestigahan din ng komite kung papaano ginamit ng Department of Education ang pondo nito nang kalihim pa ng departamento si […]

  • Trabaho sa Korte, suspendido sa Oct 14 at 15

    SUSPENDIDO ang trabaho sa mga Korte sa Manila at Pasay sa Okt.14 at 15 ,2024 .   Sa memorandum order na inilabas ni Acting Chief Justice Matvic M.V.F Leonen, inanunsyo na kasama sa suspendido ang trabaho sa Korte Suprema, Court of Appeals at lahat ng first at second level courts sa nabanggit ng dalawang lungsod […]

  • Easter message ni PDu30: Magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa, tumayong nagkakaisa

    TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Filipino ngayong Easter Sunday na magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao.     Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mga mamamayang Filipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na […]