• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CIARA, pabiro at ‘di rin naiwasang mag-post ng nagti-trending na brand ng paracetamol

PATI si Ciara Sotto sa pagpu-post tungkol sa nagti-trending na biogesic at paracetamol.

 

 

Nag-post si Ciara sa kanyang Facebook account ng status na, “Walang sinabi yung Biogesic pag ako yung nag-ingat sayo!”

 

 

At saka niya sinundan ng mga laugh, peace emoji at mga hashtags na “charot” at “joke lang po.”

 

 

Umani ng mga laugh comments at mga naaliw sa status niya ang mga Facebook friends niya. Siyempre, given naman kasi na isa sa naging ex-boyfriend at matagal din na naka-relasyon ni Ciara ay si John Lloyd Cruz.

 

 

Si John Lloyd na walang ka-effort-effort ay napag-uusapan ngayon dahil matagal naman na celebrity endorser ng Biogesic at sa sikat niyang “ingat” na paalala sa mga TVC niya ng naturang brand ng paracetamol.

 

 

Ending, tinutukso si Ciara ng mga nga nagko-comment sa kanya. Ilan sa mga ito, “Palaban tayo ngayon.” Na sinagot naman niya na, “pagbigyan hahaha. Laban lang.”

 

 

May nag-post naman ng picture nilang dalawa noong sila pa at saka nilagyan ng caption na, “hindi po ito joke.”  Natawa si Ciara sabay sabi na, “langya ka.”

 

 

***

 

 

AMINADO si Jo Berry na sa pagkawala ng kanyang ama, kuya at Lolo noong 2021, hindi na siya magiging tulad pa ng dati.

 

 

Ang ama at ang kuya niya rin kasi ang halos kasama niya sa mga tapings at talagang naging napakahirap naman talaga sa Little Princess star ang pinagdaanan niya at pamilya niya noong 2021.

 

 

Pero ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula ng mapanood sa Lunes, January 10, ang Little Princess ang nakatulong din daw sa kanya para kayanin ang mga nangyari.

 

 

Sabi nga ni Jo, “Naging idol ko nga po si Princess. The whole time po kasi, bago ko pumasok ng lock-in, may mabigat po akong pinagdadaanan.  So noong nandoon ako, si Princess po ang naging takas ko for a while. 

 

 

 

“Alam ko na kailangan ko siyang gampanan at ‘yung mga hugot ko no’ng time na ‘yon, nagamit ko kay Princess.

 

 

      “Kahit masakit ang pinagdadaanan, kailangan nating kayanin kasi, nandito pa tayo sa buong mundong ‘to.”

 

 

Naging daan daw ang Little Princess na serye niya para kayanin niya ang pagkawala ng mga mahal sa buhay at huwag mag-pause dahil kailangan niyang gampanan ang bagong seryeng ipinagkatiwala sa kanyang muli ng GMA-7.

 

 

***

 

 

SA rami na ng mga nagawang movies ni Cindy Miranda last year alone na lang at talaga namang isa siya sa mga sexy star na masasabing palaban talaga at tila hindi umuurong.

 

 

At sa bago niyang movie na magsisimula ng mai-live streaming sa January 21 sa Vivamax, ang Reroute daw ang makokonsider niyang pinaka-best sa lahat ng ginawa niya.

 

 

      “Iba ang intensity nito. At masasabi ko na iba talaga, sobrang fluid ko sa movie, sobrang dalang-dala. I can’t wait to watch the movie. I haven’t watch it, pero I have the feeling na this is a very good movie.”

 

 

Ang makasama sa isang movie ang itinuturing na idol niya na si John Arcilla raw ang isa sa maipagmamalaki n ani Cindy sa Reroute. Meron pang Sid Lucero na kilala rin na mahusay na actor.

 

 

     “I think, ‘yun ang pinaka-kakaiba rito. Nabigyan ako ng chance na makasama sa isang film ang isang John Arcilla. So sobrang level-up talaga. I was so worried, of course, very, very good actor and best actor.

 

 

      “At siguro kapag tinanong ako, anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng ginawa ko, sasabihin ko sa kanila na panoorin nila ang Reroute. This is my best,” sey niya.

 

 

Nang tanungin namin siya kung hindi ba siya na-pressure na ang dalawang actor ang ka-eksena niya.

 

 

Napa, “Ay, grabe po. Tinatanong ko ang sarili ko kung ready ba ko na ka-eksena sila. Palagi ko na lang pong ginagalingan. Pero siguro, mas ginalingan ko pa sa movie na ito.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • Ads November 14, 2020

  • Gobyerno handa na sa pagbabakuna

    Tiniyak kahapon ng Malacañang na nakahanda na ang gobyerno sa gagawing pagbabakuna laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.     Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility ay darating sa kalagitnaan ng Pebrero.     Ilang tulog na lang aniya ay magsisimula na ang vaccination drive […]

  • Comelec umaasang mailagay ang PH sa Alert Level 1 bago pa man ang May 9, 2022 elections

    Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maibaba na sa Alert Level 1 ang quarantine restrictions sa bansa bago pa man ang May 9, 2022 national at local elections.     Sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reforms, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na mahirap isagawa ang 2022 polls sa gitna […]