Cimatu, positibo ang pananaw na masolusyunan ang lumalalang COVID cases Cebu
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Positibo ang pananaw ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, na sa kanyang bagong assignment ay masolusyunan ang lumalalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu.
Sa isinagawang virtual press briefing ng IATF, sinabi ni Cimatu na bibisita ito sa ilang mga barangay sa Metro Cebu na may mataas na bilang ng mga nahawaan ng virus.
Dagdag pa nito, handa itong makikinig sa mga hinaing ng mga barangay officials upang matugunan ang lalo pang pagkalat ng virus.
Kaya naman daw malaki ang tiwala nito na humupa ang bilang ng mga reported cases sa gagawin nitong mga hakbang.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga lider sa Cebu ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cimatu.
Masaya ngayon si Cebu City Mayor Edgardo Labella dahil sa pagbabalik ni Cimatu at nakita na rin nito ang mga accomplishments kagaya ng Boracay rehabilitation, at iba pa.
Sinabi rin nito na malaki ang concern ng Pangulo sa COVID-19 situation sa lungsod lalo na at umabot na sa mahigit 4,000 ang confirmed cases.
Sumang-ayon din si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa pagbisita ni Cimatu upang makita ang tunay na kalagayan o real picture ng Cebu City patungkol sa pandemya na syang nakaapekto rin sa buong isla. (Daris Jose)
-
Babaeng biktima ng trafficking napigil, escort nito inaresto
NAPIGIL ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng biktima ng human trafficking nang tinangkang eskortan ng kanyang lalaking trafficker sa Davao City. Ang biktima na isang babae ay ni-rescue sa Davao International Airport habang papasakay ito ng Scoot Airlines flight patungong Singapore. Ayon sa biktima, biyaheng Singapore […]
-
Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine
INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population. Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor. Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang […]
-
COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers
MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers. Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings. “Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine […]