CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista
- Published on January 18, 2022
- by @peoplesbalita
FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022.
Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla.
Ang Reroute ay kwento ng mag-asawang si Trina (Cindy Miranda) at Dan (Sid Lucero) na nagkakaroon ng problema dahil pinaghihinalaan ni Dan na may iba si Trina.
Sa gitna ng problemang ito, napagpasyahan ng mag-asawa na bumisita sa nag-aagaw buhay ng tatay ni Dan sa probinsya Sa kanilang pagbyahe, mahaharang sila ng isang roadblock at aabisuhan na sumubok ng ibang daan at mag-reroute.
Sa pagod sa pagmamaneho, maiinis na si Dan dahil aabutin pa ulit ng isang oras kapag nagbago sila ng ruta, dito niya mapapagpasyahan na dumaan sa isang shortcut, sa isang masukal at malubak na daan.
Sa pinagkamalas-malasan ay masisiraan pa ang kanilang sasakyan sa gitna ng daan, dito nila makikilala ang isang misteryosong lalaki na aalukin silang tulungan, si Gemo (John Arcilla). Iimbitahan ni Gemo ang mag-asawa na magpalipas ng gabi sa kanyang bahay at kinabukasa’y tutulungang ipaayos ang nasirang sasakyan.
Sa pagod ay papayag ang dalawa kahit na pinaghihinalaan na ni Trina ang mga galaw at mga pagtatanong ni Gemo tungkol sa buhay nila ng kanyang asawa. Sa pagdating nila sa bahay ni Gemo, makikilala rin nila ang asawa nito, si Lala (Nathalie Hart), na misteryosa rin at bihira lang kung magsalita.
Sa pagtuloy ni Trina at Dan sa bahay ni Gemo ay siya ring patuloy nitong pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay nilang mag-asawa, at lalo nang maghihinala ang dalawa.
Ang kakaiba at misteryosong kwento ng Reroute ay nangangailangan ng mahusay na pagganap. Kasama ni John sa pelikula ay si Sid na may makailang ulit nang nanalo ng best actor awards at mayroon ding nominasyon sa International Emmy Awards.
Parte rin ng Reroute ang mga prime actresses ng Viva na sina Cindy Miranda at Nathalie Hart, na gumagawa na rin ng kanilang sariling pangalan sa larangan ng pag-arte at patuloy na pinapatunayan na karapat-dapat sila sa mga role na ginagampanan nila.
Kasama ng mga batikang aktor ay isa ring award-winning director, ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo na nagdala sa atin ng internationally-acclaimed movie na Amok.
Si Fajardo rin ay nanalo na ng iba’t ibang awards para sa pagiging direktor at editor, dalawa rito ay mula sa Gawad Urian. Noong nakaraang taon ay binahagi rin ni Fajardo ang mga pelikula niyang Nerisa na pinagbidahan din ni Cindy, Mahjong Nights, at ang MMFF entry na A Hard Day.
Natanong naman si Cindy sa virtual mediacon ng movie nila, kung ano ang reaction niya na tina-tag na nga siya bilang isa sa prime actresses ng Viva Films at pawang award-winning pa ang nakasama niya sa Reroute.
“Sobrang nakakakilig ‘yun kasi dream ko lang dati,” pahayag ni Cindy.
“Naaalala ko pa kung paano ko pinangarap na matawag nga lang na isang aktres at nagpapasalamat talaga ako na ang dami ng blessings na dumarating.
“I’m willing to work harder para mapabilang dahil of course gusto maging level nina Sid, Sir John at Nathalie. You know, I can’t wait to be like them. Sobrang iniidolo ko talaga sila.
“At siyempre, nandun ang pressure talaga kapag nakaka-work ka nang ang gagaling na actors, but I’ve learned a lot from them.
“Sobrang suwerte ko lang, nabigyan ako ng pagkakataon na matuto, ‘yun talaga ‘yun eh. Ang importante talaga ‘yun naka-work mo sila. Imagine that, napapanood mo sila before, pero ngayon nakaka-eksena at nakaka-usap mo na sila.
“So, it’s dream come true. Sana lang, mas gumaling pa ako and thank you sa Viva for giving me this kind of project at makasama ang magagaling na artista.”
At mula nga sa kaabang-abang na mga aktor at kahanga-hangang direktor, walang duda na isa na naman ang Reroute sa magiging trending at pag-uusapang pelikula sa pagpasok ng 2022.
Mula sa Viva Films, markahan na sa kalendaryo ang pagdating ng Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan. Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!
(ROHN ROMULO)
-
Contribution hike, sinimulan na ng SSS
SINIMULAN nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro upang matiyak ang financial viability ng ahensiya para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na […]
-
Nagtataka rin kung saan nanggaling ang lakas niya: NOVA, pitong taon nang nag-aalaga ng bedridden na asawa
TINANONG namin si Nova Villa na isa sa bident ng ’Senior Moments’ kung ano ang sekreto ng longevity niya sa showbiz, na hanggang ngayon ay aktibo siya sa pelikula at telebisyon? “Up to now, iyon din ang tinatanong ko sa sarili ko e,” sabi ng beteranang aktres. “Well, it’s… the only answer I […]
-
VMayor Along naghain na ng COC
NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central. Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]