CIVIL REGISTRY NG MANILA LGU, WALANG IPINAPATUPAD NA “CUT OFF SYSTEM” AT “QUOTA SYSTEM”
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG ipinapatupad na “cut off” o “quota system” ang tanggapan ng Local Civil Registry ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ito’y makaraang makatanggap umano ng reklamo ang tanggapan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) hinggil sa pagpapatupad nila ng “cut-off time” sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumento kaya nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Director General Jerimiah Belgica.
Ayon kay Manila Local Civil Registry OIC Atty. Cris Tenorio, wala umano silang ipinapatupad na cut off time o quota system sa kanilang tanggapan kung saan iginiit nito na tuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
“We assured the continuous running of our services during official business hours from 8 a.m. to 5 p.m., which may extend depending on the number of requests,” paliwanag ni Atty. Tenorio.
Gayunman, sinabi ni Tenorio na kailangan nilang kontrolin at limitahan ang pagpasok ng mga tao sa kanilang tanggapan upang mapanatiling maipatupad ang minimum health protocols.
Hinihikayat naman ni Tenorio ang publiko na maaari silang magpunta sa website na www.cityofmanila.ph o kaya ay magdownload ng Go Manila App upang maiproseso ang kanilang dokumento sa pamamagitan ng “online”.
Muli namang pinaalalahanan ni ARTA DG Belgica ang lahat ng mga ahensiya sa pambansa at lokal na pamahalaan hnggil sa pagbabawal sa cut-off / quota system, batay na din sa ilalim ng Republic Act. 11032 o ang Ease of Doing Business law, kung saan dapat itong panatilihin kahit na sa panahon ng pandemya. (GENE ADSUARA)
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR
Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo. Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ). Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo. Mahigpit din nilang […]
-
Pinas, pinakipot ang 2024 economic growth target, pinalawak ang 2025-2028
PINAKIPOT ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang economic growth target nito para sa 2024, subalit pinalawak ngayon at inaasahan na matatamaan ang 6.5% kontra sa nauna nitong inaasahan na 7.0%. Sa pulong ng DBCC, araw ng Lunes, sinabi nito na inamiyendahan ng Pilipinas ang economic growth target na 6.0% hanggang […]