Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Published on July 22, 2022
- by @peoplesbalita
MAS malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson.
Ayon kay Reyes, posibleng makasama ng Pinoy squad ang NBA star na mula sa Utah Jazz sa laban ng Gilas Pilipinas sa fourth window.
Sa fourth window, nasa Group E ang Gilas Pilipinas kasama ang New Zealand, Lebanon, Jordan, Saudi Arabi at India.
Unang makakasagupa ng Pilipinas ang Lebanon sa Agosto 25 kasunod ang Saudi Arabia sa Agosto 29.
“We also have word that Jordan Clarkson is also coming. Hoping to join the team as well to play on the 25th and the 29th,” ani Reyes sa PlayitrightTV.
Hindi ito ang unang pagkakataon na lalaro si Clarkson suot ang Gilas Pilipinas jersey.
Nasilayan na sa aksyon ang dating NBA Sixth Man of the Year sa 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, indonesia.
Maliban kay Clarkson, inaasahang maglalaro rin para sa Gilas Pilipinas ang ilang PBA players dahil papasok na sa semifinals ang PBA Philippine Cup sa Agosto.
Umaasa rin ang SBP na makakapaglaro na si Kai Sotto sa fourth window ng qualifiers.
“Hopefully, Kai Sotto can make it this time,” ani Reyes.
Bigo si Sotto na makapasok sa NBA matapos itong hindi makuha sa NBA Rookie Draft kamakailan sa New York.
Galing ang Gilas sa masaklap na ninth-place finish sa FIBA Asia Cup na ginaganap sa Jakarta.
Lumasap ang Pinoy squad ng 81-102 kabiguan sa kamay ng Japan sa playoffs upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon sa Asia Cup.
-
Banna, Ilocos Norte is the first community in the Philippines to reach WHO 90% immunization targets
Around 1,000 female students in Banna, a municipality in Ilocos Norte, received their first dose of the human papillomavirus (HPV) vaccine on May 10, 2024, making Banna the first municipality in the Philippines to achieve the World Health Organization’s (WHO’s) goal of vaccinating 90% of the female schoolchildren ages 9-14. HPV […]
-
Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA
KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan. Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes […]
-
Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG
Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence. Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31. Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital […]