• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.

 

 

Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.

 

 

Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid aralan, 49% sa school learning resources tulad ng aklat at computer habang 45% naman ang nagsabi sa kakulangan ng guro.

 

 

Kasunod ng mga pinatutugunan ng mga Filipino ay ang kalidad ng edukasyon, kakulangan ng text books, drug testing sa mga estudyante, mababang sahod ng mga guro, medium of instructions o wika sa pagtuturo, mga pagkakamali sa text books at competence ng mga guro.

 

 

Kabilang din sa mga pinatutugunan ang P2,000 allo­wance para sa mga estudyante na self supporting at ang seguridad ng mga bata dahil uso ang kidnapping.

 

 

Base sa 2019 National Building Inventory na 167,901 ang kakulangan ng classroom sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan. (Daris Jose)

Other News
  • MAHIGIT 40K PULIS, IPAPAKALAT SA MAY 2022 POLLS

    AABOT  sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, handang-handa na sila sa halalan at kasalukuyang nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground. Binigyang-diin ni PNP chief, kasado na rin ang […]

  • Rosegie Ramos, Lovely Inan itataas bandila ng Pilipinas sa World lifting

    PILIT na pagliliyabin nina 32nd Hanoi Southeast Asian Games bronze medalist Rosegie Ramos at papangaangat na lifter na si Lovely Inan ang kampanya ng siyam-kataong Team Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na itinakda simula Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Columbia.     Ang 19-anyos na si Ramos ay produkto ng weightlifting […]

  • IATF-EID, pag-uusapan ang posibleng Alert Level 4 sa NCR – DILG

    SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatakdang pag-usapan sa mga susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekOmendasyon na ilagay Na sa ilalim ng mas mahigit na Alert Level 4 status ang National Capital Region (NCR)     […]