CLAUDINE, ipinagtatanggol pa rin si JULIA kahit masama ang loob
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
SA virtual presscon ng Deception, ang comeback movie ni Optimum Star Claudine Barretto, hindi naiwasang tanungin ang aktres sa ‘paglamlam ng career’ ng kanyang pamangkin na si Julia Barreto.
Kahit na masama pa rin ang loob niya kay Julia dahil mga nangyari sa kanilang pamilya, nakuha pa rin niya itong ipagtanggol.
Sabi niya, “Alam naman ng lahat na masama ang loob ko kay Julia.
“Pagkakaintindi ko kasi she’s not just given the right projects. Even if wala pang tsismis kay Julia nun, we were all just waiting for the good project to come to her. “Kasi ang problema ang dami nila, may Jadine, Kathniel, Lizquen, Joshua, ngayon Jurald… I’m just waiting.”
Sa pagpapatuloy ni Claudine, “Medyo nega nasusulat sa pamangkin ko pero at the end of the day, pamangkin ko pa rin yon, e!”
“Hindi ako naniniwala na babagsak. Kasi sa akin, nangyari na ‘yan, ilang beses na, lalo na yung rebellious days ko, pero hindi siya bumagsak.
“Si Julia, naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan.
“At saka may dugong Dennis Padilla ‘yan, magaling din,” paliwanag pa ng controversial actress.
Samantala, sa Deception gaganap si Claudine bilang isang sikat at multi-awarded actress na si Rose, na nakulong dahil sa pagpatay sa asawa niyang stuntman-turned-actor na gagampanan ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.
Nang lumabas siya mula sa kulungan, nagkrus ang landas nila ni Ethan na kamukhang-kamukha ng asawang pinatay niya at doon nga iikot ang kuwento ng pelikula.
Pahayag pa ni Claudine nakaka-relate siya sa plot ng Deception na mula sa panulat ni Direk Easy Ferrer mga nangyari sa kanyang buhay dahil naranasan niyang maging biktima ng deception o panlilinlang.
Happy and excited si Claudine dahil sa wakas matutuloy na ang reunion movie nila ni Mark na mula sa direksyon ni Joel Lamangan na malapit na malapit sa puso niya.
Ang Deception ay joint venture ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio.
(ROHN ROMULO)
-
Walang takot na lumangoy sa hanggang dibdib na baha… GERALD, muling hinangaan ng netizens sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo
MULING hinangaan ng netizens ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson dahil sa ginawa niyang pagtulong at pakikiisa sa search and rescue operation para sa mga nasalanta ng baha sa Quezon City, na dulot ng Super Typhoon Carina. Makikita nga sa viral video ang kanyang pantulong sa isang pamilya sa Barangay Sto. Domingo, na kung saan […]
-
Ads August 31, 2024
-
Mandatory drug test sa mga artista, itinulak
DAPAT munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista bago ito bigyan ng pelikula o project sa telebisyon. Ito ang mungkahi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na […]