CLAUDINE, mas masarap nang katrabaho: MARK ANTHONY, nag-enjoy at na-challenge sa role na pinagawa sa kanya ni Direk JOEL
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
MASAYA si Mark Anthony Fernandez na muli silang nagkatrabaho ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto sa suspense thriller na Deception.
Halos mahigit isang dekada mula nang magtambal sa GMA drama series titled Claudine si Mark at ang dating kasintahan.
Sabi ni Mark na mas masarap katrabaho si Claudine ngayon dahil mas mature na ito.
Bihira man silang nagkakausap during the lock-in shoot ng movie ay maganda naman ang working relationship nila.
Sabi pa ni Mark, nag-enjoy siya working with Direk Joel Lamanga, na siya rin sumulat ng script ng Deception.
He was challenged by the role assigned to him by Direk Joel and he was pushed to the limit.
May isang eksena raw na sinabi Direk Joel na kailangan niyang umiyak and very proud na sinabi ni Mark na nagawa niya ito in one take.
Showing na via streaming sa Vivamax ang Deception.
***
HINDI namin napanood ang interview ni Boy Abunda kay Vice President Leni Robredo kaya hindi kami makagbigay ng honest opinion kung hindi nga ba maganda ang outcome ng interview.
Nakatanggap ng bashing si Kuya Boy dahil hindi happy ang mga maka-Leni o ang Kakampinks with the way Kuya Boy handled the interview.
Hindi raw hinayaan ni Kuya Boy na tapusin ni VP Leni ang kanyang sagot kasi lagi raw sumasabad si Kuya Boy.
Eh may timer pa naman daw ang interview so kinain ng interjection ni Kuya Boy ang oras ni VP Leni.
Sabi naman ng ibang Kakampink, kahit daw ganoon ang nangyari, ay maayos naman nasagot ni VP Leni ang mga tanong sa kanya.
Proud pa rin ang mga Kakampink sa performance ni VP Leni nasabing interview.
Sabi naman nung mga hindi natuwa sa interview ni Kuya Boy, biased daw ang TV host dahil ang kanyang kapatid na Congresswoman ay tumatakbo or kapanalig ng partido ni Digong.
(RICKY CALDERON)
-
Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang […]
-
P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023
ISASAMA sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023 ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects. Sa isang press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong […]
-
GLAIZA, personal na tinanggap ang Best Film award ng TOHORROR Fantastic Film Festival para sa movie na ‘Midnight In A Perfect World’
KASALUKUYANG pinapasyalan ng engaged couple na sina Glaiza de Castro at David Rainey ang different places sa Italy para sa kanilang pre-nuptial shoots sa nalalapit nilang wedding. At isa sa napuntahan nila at ipinost ni Glaiza sa Instagram niya ang Como, Italy, the same places kung saan doon nag-shoot ng kanilang first […]