• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST

NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

 

‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya.

 

“Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. Out of which, mga 37 ang nag-qualify at nagsimula na po ang kanilang paglahok, dito po sa lagundi,” dagdag nito.

 

Aniya susundan ang pag-aaral ng virgin coconut oil (VCO) na ibibigay sa mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH).

 

Dagdag pa nito na ang pag- aaral sa tawa-tawa bilang posibleng gamot sa COVID-19 ay nasa Ethics Review Board pa rin na maaaring magsimula ang pag-aaral sa susunod na linggo.

Other News
  • Napa, 3 iba pa kabyos sa Summer Olympic Games

    MINTIS ang tatlo katao pambato ng bansa na nakipag-agawan sa dalawang puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.     Sa pagwawakas ito ng 2021 Mussanah Open Windsurfing Championships-Asia Olympic Qualifer sa Millennium Resort sa Oman.     Pumangalawa si Charizzanne Jewel […]

  • DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning

    Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd). “There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver […]

  • PBBM, sumentro sa ekonomiya ang unang cabinet meeting

    SUMENTRO sa isyung pang-ekonomiya ang unang cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacanang.     Sa naturang pulong, si Vice President Sara Duterte-Carpio ang nanguna sa panalangin.     Hiningi ni Marcos sa kanyang economic team ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa, bago tinalakay ang iba pang isyu. […]