CLIPPERS OPISYAL NANG KINUMPIRMA ANG PAGKUHA KAY LUE BILANG HEAD COACH
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
OPISYAL na ring inanunsiyo ng Los Angeles Clippers ang pagkuha nila kay Tyronn Lue bilang bagong head coach ng koponan.
Una nang lumutang ang naturang isyu noon pang nakaraang linggo.
Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para ihara.
Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para iharap si Lue sa mga mamamahayag.
“We found that the best choice for our team was already in our building,” bahagi pa ng statement ng Clippers. “As head coach, Ty will put a unique imprint on the organization, and drive us to new heights.”
Kung maaalala si Lue ang assistant coach ni Doc Rivers.
Pero sinibak si Rivers matapos madiskarel ang kanilang 3-1 lead sa Nuggets.
Agad din namang kinuha si Rivers ng Sixers bilang kanilang bagong coach.
Ang 43-anyos na si Lue ay dati nang head coach ng Cleve- land Cavaliers nang magkampeon sila kasama si LeBron James noong taong 2016.
Nagposte si Lue ng 128-83 record sa loob ng apat na seasons sa Cleveland.
“We have work to do to become champions, but we have the motivation, the tools, and the support to get there,” ani Lue sa kanyang pahayag. “I’m excited to get started.”
-
NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!
ISANG dating opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsabing hindi siya ayon sa mga mungkahi na tanggalin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila. Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang hindi sumasangayon na alisin ang NCAP […]
-
World’s No. 1 Djokovic binigo ni Zverev na makamit ang ‘Golden Slam’
Nagtapos na ang kampanya sa Tokyo 2020 ni tennis world number 1 Novak Djokovic matapos talunin siya ni Alexander Zverev (No. 5). Nakuha kasi ng German player ang score na 1-6, 6-3, 6-1 para makapasok sa semifinals. Target kasi ng Serbian tennis star na maging unang men’s tennis player na manalo […]
-
Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award
SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year. Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]