• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA, pinuna ang PCGG hinggil sa unrecorded stock certificates, artworks mula sa Marcos era

PINUNA  ng Commission on Audit (COA) ang mga hindi nai-record  na 76 stock certificates (STCs) at 122 paintings at  artworks na -narekover  ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

 

 

Batay sa  2021 annual  audit report, sinabi ng  Commission on Audit (COA)  na nabigo ang PCGG na itala ang  772.594,488 shares of stocks ng pamilya  at  kaalyado ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,  na nagkakahalaga ng P54.61 milyong piso  kaya’t wala ito  sa libro ng PCGG.

 

 

Kabilang sa mga assets at properties na narekober ng PCGG  ay shares of stocks  na pag-aari ng iba’t ibang korporasyon at indibiduwal na nakatago sa PCGG Library, at maging ang ilan naman na nasa ilalim ng pangangalaga ng  Independent Realty Corporation (IRC) Group of Companies, isang conglomerate ng surrendered corporations.

 

 

“The non-recording of the surrendered/recovered shares is tantamount to voluntarily giving away possession and control of what is due to the government and without due regard to existing accounting and auditing rules and regulations,” ayon sa audit team sa kanilang report.

 

 

Ang paliwanag naman ng PCGG, hindi man lumabas sa kanilang libro ang mga stocks certificates  ay nakapasok naman ito sa mga tinutukoy na korporasyon.

 

 

Kasabay nito, lumabas din na nasa  mahigit sa 100 paintings at artworks na nasa iba’t ibang bodega  ng  PCGG ang bigo ring mai-record sa libro ng ahensiya.

 

 

Kabilang  sa 122 artworks ang  34 paintings, statues, jars, framed wood carvings, wood carvings, tapestries, lithographs, framed cross-stitch artwork, wine goblet, upright piano, decanter, collage, brass item, abstract, news clipping, framed news print, drawings, plaque at brass sculpture na matatagpuan sa PCGG station ang nananatilingg unrecorded sa mga libro ng PCGG. (Daris Jose)

Other News
  • Pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Department of the Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan at National Capital Region Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez, ang pagbabasbas at inagurasyon ng greenhouse facility sa NavotaAs Homes I – Brgy. Tanza 2 na karagdagan pagkukunan ng sariwa at organic na ani ng gulay ng […]

  • Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA

    NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16.       Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms.  Irene Villamor.     Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement […]

  • KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA

    PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sites  o tinawag na Plus 1 strategy.     Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay.     Paliwanag ni […]