Colorum na mga vans ginagamit sa “human trafficking”
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
Iniibestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nahuling operasyon ng mga vans na ginagamit sa “human trafficking” mula at papunta sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble.
Ang mga nakasakay ng mga pasahero ay napagalaman na hindi sumailalim sa testing ng COVID 19. Ang nasabing operasyon ng mga colorum na vans ay nahuli ngayon mayron hard lockdown.
Sa isang video na lumabas sa social media ay makikitang ang mga pasahero ay bumaba sa isang cargo truck at pagkatapos ay sumakay sa commuter vans na magdadala sa mga pasahero sa Metro Manila.
Ang nasabing insidente ay nangyari sa pagitan ng Ragay, Camarines Sur at Tagkawayan sa Quezon province.
“Those closed vans and trucks smuggle people not tested for the virus in and out of Metro Manila. The booking of these illegal trips was done on social media. Some passengers in the video were not wearing face masks,” wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
Pinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang mga mayari at driver ng truck at mga vans dahil sa paglabag sa colorum operations at quarantine protocols.
Hinuli rin ng LTO ang may 12 colorum na sasakyan na papuntang Bicol region noong nakaraang Semana Santa kung saan ang 79 na pasahero nito ay nakitang positibo sa COVID 19.
Mula naman sa datus ng I-ACT, may nahuli na silang 153 na colorum mula noong January hanggang March 2021 sa Greater Metro Manila.
Upang mapigilan ang illegal na gawain, ang LTO-NCR ay patuloy na sinusubaybayan ang mga terminals sa Pasay at sa Cubao habang ang LTO Region V ay nanatiling nakabantay sa border ng Bicol.
Nangako naman si Highway Patrol Group Chief Brig Gen. Alexander Tagum na paiigtingin pa nila an kanilang operasyon laban sa mga colorum na sasakyan matapos na mahuli ang illegal na pagsasakay ng mga pasahero papunta at galing sa NCR Plus Bubble.
Tinawagan din ni Tugade ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), LTO, DOTr, I-ACT, PNP-Highway Patrol Group, at mga LGUs na magtulong-tulong sa pagsugpo ng human trafficking. (LASACMAR)
-
Gobyerno, hahanap ng paraan para protektahan ang kabuhayan ng tobacco farmers— PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na humanap ng paraan ang pamahalaan para protektahan ang kabuhayan ng mga tobacco farmers sa bansa. Ito’y bunsod na rin ng makabuluhang tax revenues mula sa tobacco industry. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe sa idinaos na International […]
-
Sandoval mapalad sa dyowa
SAGANA sa pagmamahal si Premier Volleyball League (PVL) star Carla Sandoval sa kanya dyowang si Philippine Basketball Association D-League (PBADL) player Mario Emmanuel Bonleon II. Pinangalandakan ito ng 23 taong-gulang, may 5-7 taas na dalaga sa isang social media post niya kamakalawa. Bukod sa maituturing nang bestfriend ay true love pa niya ang kasintahan. […]
-
Pagbabawas sa bilang PNP generals, irerekomenda ng DILG
IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tapyasan ang bilang ng mga police generals mula sa mahigit na 130 ay maging 25 na lamang. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang pagbabawas sa bilang ng ‘top-heavy” police organization ay kabilang sa prayoridad ng kanyang liderato […]