• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter

TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan.

 

 

Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter.

 

 

Dahil sa gumagamit na aniya ang komisyon ng automated fingerprint identification system sa pagpapareshistro, nababantayan na ang bawat nagpaparehistro kung mayroon na silang mga datong record sa komisyon.

 

 

Kapag natukoy na mayroon nang dating record mula sa ibang presinto, otomatikong makakansela na aniya ang applikasyon ng mga ito.

 

 

Ayon kay Laudiangco, nakalusot ito noong nakalipas na halalan at mahigit 500,000 double at multiple entries ang kanilang namonitor batay sa isinagawang imbestigasyon ng komisyon.

 

 

Isa sa mga binabantayan ng komisyon ay ang posibilidad ng paghahakot ng mga kandidato ng ilang mga botante mula sa isang lugar at ipapa-rehistro ang mga ito sa lugar kung saan tatakbo ang naturang kandidato.

 

 

Pero ayon kay Laudiangco, gamit ang bagong sistema ng komisyon, mabilis na itong matunton ng Comelec at nakahanda itong magsampa ng election offence laban sa mga kandidato at maging sa mga botanteng nagpapagamit. (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug personalities timbog sa Valenzuela buy-bust

    Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na  droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang […]

  • Kung dati ay si Carmi Martin ang maiisip: ARA, pinabilib nang husto si Direk JOHN sa kanyang pagganap

    GUMAGANAP sina Sue Ramirez at Jake Cuenca sa Jack and Jill Sa Diamond Hills bilang sina Jill at Jack respectively na mga pulis.     Sa tunay na buhay ba ay naging ambisyon ni Sue na maging policewoman?     “Cashier,” ang tumatawang mabilis na sagot ni Sue.     “Lahat ng batang babae nangangarap […]

  • Gobyerno, maglulunsad ng kampanyang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”

    NAPIPINTONG ilunsad ng gobyerno ang isang kampanya para ipabatid sa publiko na maaari namang maghanapbuhay kahit may kinakaharap na pandemya. Ang kampanya ayon kay Sec. Roque na ipapa- apruba kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna na rin ng mainit na debate sa loob ng IATF at UP group na nagsasabing kinakailangan manatili pa […]