Comelec iniimbestigahan na ang pagtapon ng training ballots sa Cavite
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nadiskubreng pagtapon ng training ballots sa Cavite.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kanila ng inaalam kung bakit nadala ng F2 Logistics ang kanilang service provider ang mga nagamit na balota mula sa Tondo papunta sa Cavite at bakit anduon ito sa isang tabi.
Sinabi ni Garcia batay sa naging paliwanag ng election officer ng Manila City, na ang mga nakitang balota na itinapon sa Amadeo ay mga balota na ginamit nuong panahon ng training, final testing at sealing process, ilang araw bago ang halalan nuong May 9,2022.
Siniguro naman ng Manila City Treasurers Office na “properly accounted” ang lahat ng balota na ginamit nuong araw ng halalan dahil ito ang gagamitin sakaling magkaroon ng case of electoral protests.
Nilinaw naman ni Garcia na ang mga ginamit na training ballots ay hindi na kino kolekta ng Comelec.
“‘Yung mismong pang-training na ginagamit, yung pang-final testing and sealing natin, ‘yan ay dapat nasa mga guro kasi remember, ‘yung final sealing and testing ay ginagawa sa mga mismong presinto,” pahayag ni Garcia.
Gayunpaman sinabi ni Garcia, dapat ang mga training ballots ay nasa pangangalaga ng electoral boards, kaya nakapagtataka bakit napunta ang mga ito sa F2 Logistics.
Pinagpapaliwanag na rin ngayon ng Comelec angf F2 Logistics kung bakit napunta sa kanila ang mga training ballots. (Daris Jose)
-
Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban
INAASAHANG mas darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan. “Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial […]
-
Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal. Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]
-
Ads December 5, 2023