• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC, maghihintay ng abiso sa Kongreso sa kung paano mapupunan ang mababakanteng puwesto ni Cavite Congressman Boying Remulla na

HIHINTAYIN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdedeklara ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa vacancy sa puwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na dalawang opsyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla kasunod ng pagtanggap nito sa alok na maging DOJ secretary sa Marcos Administration.

 

 

Una na aniya rito ay ang pagsasagawa ng special elections ngunit mangangailangan pa aniya ng batas ukol dito.

 

 

Maaari rin naman sa kabilang banda na magtalaga na lang ang Speaker of the House ng care taker sa distrito na pdeng aktuhan ng isang congressman mula sa kalapit na distrito o di kaya ay nasa discretion na mismo ng House speaker kung sino ang ilalagay na care taker

 

 

Sinabi nito, anuman sa dalawang opsiyon na mapagpapasiyahan ng Kongreso ay iyon ang kanilang nakahandang gawin. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Bakuna Bubble’ gustong i-test sa NCR areas na may high vaccination rates

    ISINUSULONG ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang test implementation ng “bakuna bubbles” sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila na mayroong vaccination rates laban sa COVID-19.   Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na ang pagpapatupad “bakuna bubbles” sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may high vaccination rates ay makapag-aambag sa […]

  • Mister isinelda sa pangmomolestiya sa live-in partner ng anak

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa live-in partner ng kanyang anak sa Navotas City,  ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinilala lang sa alyas “Rudy”, 44-anyos, contractor at residente ng Brgy. NBBS Proper.     Sa report ni PCpl Myra […]

  • Tokyo Disneyland sarado hanggang Marso 15

    ISASARA sa loob na susunod na dalawang linggo ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea. Ang closure ay magsisimula ngayong araw February 29 at tatagal hanggang sa March 15.   Sa pahayag ng operator ng Disneyland na Oriental Land, inaasahan nilang makapagre-resume sila ng operasyon sa March 16.   Kada taon ay umaabot sa 30 milyon […]