• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec, patutunayang walang iregularidad sa katatapos na halalan- Malakanyang

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) na patunayan na walang iregularidad sa katatapos lamang na May 9 national at local elections.

 

 

Sinabi kasi ng International Observer Mission (IOM) ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na ang katatapos lamang na eleksyon sa bansa ay “were not free and fair.”

 

 

Inulit naman ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naniniwala siyang  walang dayaan at iba pang voting irregularities sa katatapos lamang na halalan sa bansa.

 

 

“We reiterate what President Rodrigo Roa Duterte said during his May 11, 2022 Talk to the People Address that there are no voting irregularities. Let us respect the outcome of the election and give chance to the winning candidates to fulfill their campaign platform,” anito.

 

 

Aniya, hahayaan ng Malakanyang ang Comelec na sagutin ang alegasyon ng IOM.

 

 

“…To dispel doubts of some quarters such as the Philippine Election 2022 International Observer Mission, which has been quoted as saying ‘the May 9 election did not meet the standard of free and fair’ we leave the matter to the Commission on Elections,” ani Andanar.

 

 

Nauna rito, inilabas na ng International Observers Mission o IOM ang kanilang naging obserbasyon sa katatapos na halalan sa bansa.

 

 

Sa virtual forum ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), inilatag nila ang kanilang mga naging pag-aaral sa halalan sa Pilipinas simula nang umarangkada ang kampanya noong February 2022.

 

 

Sabi ni IOM Commissioner at Belgian Parliamentarian Severine De Laveleye, napakahalaga ng halalan hindi lang sa mga Pinoy kundi pati na rin sa international community.

 

 

Sinabi ni De Laveleye na hindi naging patas ang pagdaraos ng halalan sa Pilipinas na nabahiran ng talamak na vote-buying, red-tagging sa mga kandidato at kaliwa’t-kanang karahasan.

 

 

“The last Philippine election was marred by widespread irregularities and violence which undermine the democratic process. The elections took place in the most suppressive context since the time of dictator Marcos. The Duterte government orchestrated state terror, marshaling the entire machinery of the state,” aniya.

 

 

Sabi pa ni De Laveleye, nasaksihan ng kanilang local partners sa bansa ang karahasan sa isang demokratikong proseso ng pagboto sa Pilipinas kabilang dito ang ilang insidente ng political killings, pamamaril, political arrest at harassment sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta.

 

 

“Our observers and local partners were witness to ongoing violations of the democratic process across the Philippines. They noted problems with respect to political killings, shootings, abductions, death threats, political arrests, harassments, large-scale red-tagging, widespread vote-buying, media manipulation and oppression, fake news and arrests of journalists by the Marcos campaign,” dagdag ni De Leveleye.

 

 

Binigyang diin ni De Laveleye na kung pagbabasehan ang mga nangyaring karahasan at mali sa pagdaraos ng halalan sa Pilipinas ay hindi ito pasok sa standard ng isang malaya at parehas na halalan. (Daris Jose)

Other News
  • Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta

    Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.     Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan. […]

  • Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril

    MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat  ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos.   Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico  sa pagtatanggol sa kanyang […]

  • Ads January 14, 2022