• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec umaasang mailagay ang PH sa Alert Level 1 bago pa man ang May 9, 2022 elections

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maibaba na sa Alert Level 1 ang quarantine restrictions sa bansa bago pa man ang May 9, 2022 national at local elections.

 

 

Sa pagdinig ng House committee on suffrage and electoral reforms, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na mahirap isagawa ang 2022 polls sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ito ay kahit pa ibaba na aniya sa 800 ang bilang ng botante sa bawat voting precincts bilang hakbang upang sa gayon ay maiwasan ang pagdagsa ng maraming tao salig na rin sa minimum health protocols na itinakda ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ito ni Casquejo kasunod na rin ng isinagawang voting simulation ng Comelec noong nakaraang buwan.

 

 

Sa naturang simulation, natukoy na humaba ang oras na kailangan igugol ng isang indibidwal para sa buong proseso ng pagboto.

 

 

Ito ay dahil na rin sa mga inilatag na minimum health protocols na kailangan pagdaanan ng isang botante bago pa man ito tuluyang makaboto hanggang sa paglabas nito sa kanyang voting precint. (Daris Jose)

Other News
  • Yee, Davao binulaga ang San Juan sa Game 1 OT

    KUMANAW si ex-pro Mark Yee ng all-around game nang gulantangin ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang defending champion San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 77-75, para sa 1-0 lead  sa pinagpatuloy na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019-20 National Finals best of five series sa Subic Bay Gym Miyerkoles ng gabi.   […]

  • Ads March 3, 2021

  • PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year

    NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year.   “Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.   Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at […]