• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Communication plan sa pagbubukas ng ekonomiya, ilalatag ng gov’t – Palasyo

Maglalatag ng communication plan ang pamahalaan sa harap ng sinisimulan ng pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin nila itong ‘Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.”

 

Ayon kay Sec. Roque, paghahanap-buhay lang talaga ang nakikitang pamamaraan ng pamahalaan para muling makabangon ang ekonomiya at sa harap ng agam-agam ng publiko na mahirap bumuti ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan.

 

Lumabas umano sa kamakailang survey na dalawa sa bawat limang adult Filipinos ang nagsasabing inaasahan na nilang mas lalala pa ang ekonomiya sa susunod pang 12 buwan.

 

Nauunawaan naman daw nila ang pagiging negatibo ng ating mga kababayan kaya kaakibat ng muling pagbubukas ng mga negosyo ay ang pangangailangang maging maingat na gagawan ng gobyerno ng isang communication plan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra

    COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.     […]

  • Nicanor hahabol sa 32nd Summer Olympic Games

    MAY anim na eskrimador, sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’sindividual sabre gold medalist Jynlyn Nicanor ang balak paeskrimahin ni Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) President Richard Gomez sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Abril 15-22 sa Seoul, South Korea.     Sa pangangalaga ni coach Rolando Canlas Jr., ang iba […]

  • THE HUNT IS ON AS “MONSTER HUNTER” REVEALS OFFICIAL TRAILER

    THE bigger they are, the harder to kill. Watch the official trailer of Columbia Pictures’ new fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon.   YouTube: https://youtu.be/phyb8ssVJIM   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written for the screen and directed by Paul W.S. Anderson.   The film stars Milla […]