• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega

MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.

 

Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.

 

Malaki aniya ang posibilidad na magkapag- ambag sa mga bago at aktibong kaso ng Covid-19 ang mga community pantry sa rami ng taong lumalabas at pumipila lalo na  kung hindi mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols at social distancing.

 

Dahil dito, ang panawagan ng opisyal sa mga organizer, mga lokal na pamahalaan at mga pumipila sa community pantry, kailangang seryosohin  at nasusunod ang social distancing at minimum health standards sa pila. (Daris Jose)

Other News
  • Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24

    SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.”     Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay.     Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na […]

  • Nagpapasalamat sa sumusuporta at nagdarasal… LIZA, nadismaya sa ‘di pagdating ng kabilang panig sa mediation sessions

    SUNUD-SUNOD ang naging post ni Liza Diño kahapon tungkol sa haharapin niyang mediation sessions para sa cyber libel cases na kanyang sinampa.       Unang post niya, “Attending three mediation sessions today for the cyber libel cases I filed. Kailangan ko ng lakas. Pls pray for me and for the truth to prevail. Thank […]

  • PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.     Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]