• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Community transmission ng Delta variant sa Pinas kumpirmado

May nagaganap ng community transmission ng Delta variant sa bansa sa gitna ng tumitinding pagsipa ng mga kaso nito kahit wala pang natutukoy kung saan nagmula.

 

 

Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Exe­cutive Director Dr. Cynthia Saloma, dahil sa kalat na kalat na sa iba’t-ibang  rehiyon sa Pilipinas ang Delta variant, para sa PGC ay mayroon nang community transmission na dahilan ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“Sa aking palagay, may kinalaman ang Delta va­riant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.”

 

 

Batay aniya sa isinagawang sequencing, sa national average ay mayroon silang nakitang 5% ng Delta variant cases noong Hunyo ngunit pagsapit ng Hulyo ay umabot na ito kaagad sa 48%.

 

 

Sa National Capital Region (NCR), wala pang 5% ng Delta cases ang naitala noong Hunyo ngunit umabot kaagad ito ng 68% noong Hulyo.

 

 

“Based on the data of the 5% to 48% and 5% to 68%, in my opinion, the Delta variant has something to do with this to a large degree, as well as to our ASEAN neighbors,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Job 19:26

    TI shall see God.

  • Djimon Hounsou, To Return As The Ancient Wizard Shazam In ‘Shazam! Fury of the Gods’

    ACCORDING to some reports, Djimon Hounsou will return as the ancient wizard Shazam in Shazam! Fury of the Gods.      The original film opens with Hounsou’s Shazam as the last of a council of wizards after the previous champion unleashed the Seven Deadly Sins and killed everyone else. The ancient wizard Shazam had been waiting for […]

  • LTO tutulong sa panghuhuli ng EDSA bus lane violators

    TUTULONG ang Land Transportation Office (LTO) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panghuhuli ng mga motoristang ilegal na gumagamit ng EDSA bus lane.       Maglalagay ng kanilang sariling tauhan ang LTO upang manghuli ng mga motoristang ilegal na dumadan sa EDSA bus carousel.       Ito ang pinayahag ni LTO assistant […]