• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization

HINIMOK ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero.

 

 

Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31.

 

 

Nangangahulugan kasi ito na makakansela na ang permit to operate ng maraming mga jeepney operators.

 

 

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng Manibela na nasa 40,000 jeepneys pa ang hindi pa nakaka-comply sa consolidation ang hindi na makakabiyahe pa pagdating ng Enero kung saan sa malaking bilang na to mas maraming commuters din ang maapektuhan ang pagbibiyahe.

 

 

Magugunitang nag­harap na ng petisyon ang transport groups sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng PUV modernization.

 

 

Sakali umano na iba­sura ng SC ang kanilang petisyon ay wala na silang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang protesta at malaking bagay kung makakasama nila ang mga mismong commu­ters na siyang lubhang maapektuhan.

 

 

Ganito rin ang na­ging banta ng Piston na dalhin ang kanilang hinaing sa mga gate ng Malacañang.

Other News
  • Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro

    SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito.     Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang […]

  • Mga bagong talagang opisyales, nanumpa kay ES Bersamin

    NANUMPA sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ilang mga bagong opisyal na naitalagang manilbihan sa administrasyong Marcos.     Kasama sa mga nasabing bagong opisyal si retired Police General Gilbert D. Cruz na nanumpa bilang Undersecretary ng Presidential Anti – Organized Crime Commission (PAOCC).     Si Cruz ay nanilbihan din dati sa […]

  • Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na

    MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1.   Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame […]