• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.

 

 

Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay isang magandang balita rin para sa mga motorcycle taxi driver na nakadepende ang kita at kabuhayan sa iba’t ibang ride-hailing apps.

 

 

Ang motorcycle taxis ay nasa proseso na ng pagsasa-legal bilang isang anyo ng public transportation at ang operasyon ng mga ito sa kasalukuyan ay isang pilot study pa lamang.

 

 

“Dagdag-hirap lalo na kapag rush hour na. Malaking tulong ang dagdag bilang ng mga motorcycle taxis ng MoveIt para gumaan kahit paano ang paghihirap ng mga mananakay at maiangat ang kalidad ng kanilang araw-araw na pamumuhay,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Montemar na siguradong makatutulong ang mga karagdagang MoveIt riders sa pampublikong transportasyon sa National Capital Region na problematiko na bago pa magkapandemya.

 

 

Para sa convenor ng BK3, ang Grab-MoveIt investment deal ay isang pagmamalas ng “tunay na malasakit sa ating mga kababayan na araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.” (Daris Jose)

Other News
  • DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan

    PINASALAMATAN  ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na mala­king pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa […]

  • Kaya simple ang celebration nila ni DOMINIC: BEA, on strict diet bilang paghahanda sa movie nila ni ALDEN

    CONGRATULATIONS to Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa success ng kanyang documentary concert, na siya ang producer at hands on sa lahat ng paghahanda sa show na ginanap last Sunday, January 30.     Umani ng papuri ang ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr. na ipinakilala ni Alden ang sarili niya at ang mga pinagdaanan […]

  • Ads November 25, 2020