• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CONDOTEL para sa mga seamen ipapatatayo sa NCR – DOTr

Nagkaisa ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na magtayo ng CONDOTEL para sa mga seafarers.

 

 

Ang pagsasama ng grupo ay isinabay sa pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa 47th Anniversary ng MARINA.

 

 

Ang pagpapatayo ng CONDOTEL ay bilang pagkilala umano sa papel ng mga seaman sa ekonomiya ng bansa tulad na lamang sa pagpapadala ng mga foreign remittances at iba pang mga economic activities.

 

 

Paliwanag ng mga opisyal, karamihan daw ng mga Filipino seafarers ay nagmula sa ibang mga lugar sa bansa ay walang matirhan sa National Capital Region (NCR) habang nag-aantay ng kanilang deployment o kaya pagdating ng pilipinas.

 

 

Makikinabang din ang mga seaman na nagtatrabaho sa mga inter-island shipping.

 

 

Todo pagmamalaki naman si Transportation Secretary Art Tugade na proyekto dahil magandang balita raw ito para sa mga marino na magawan sila ng CONDOTEL o gusali kung saan sila doon mananatili, pansamantalang maninirahan at doon din magagabayan.

 

 

“Napakagandang pangitain na kung nagse-celebrate tayo ng Anibersaryo, binibigyang importansya ang mga marino. In fact, the highlight of today’s gathering can be summed up into two. Una ay ang pagpirma ng Memorandum of Understanding regarding CONDOTEL na pinapakita natin sa mga marino – na para bang sinasabi ng MARINA – nandirito at gagawa kami ng gusali na kung saan doon kayo mananatili, doon kayo maninirahan at doon kayo gagabayan. Napakagandang pangitain,” ani Tugade.

Other News
  • Tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas, hamon ng KMP

    HINAMON ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangakong P20 na presyo ng bigas.     Nangangamba ang KMP na baka kasama ito sa mga mga “imposibleng pangako” ni Marcos Jr kaya dapat ihayag ng presumptive president kung paano niya ito gagawin at ano ang malinaw […]

  • P912M nakalaan sa World Teachers’ Day Incentive Benefit

    MAHIGIT sa 912,000 public school teachers ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang makatatanggap ng kanilang P1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa October 5, pahayag ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., vice chairperson ng House committee on appropriations.     Ayon sa mambabatas, naglaan ang kongreso ng P912 million para pondohan ang […]

  • Gamot sa cancer, diabetes wala ng VAT – FDA

    INIHAYAG ng Drug Administration (FDA) na idinagdag sa listahan ng wala ng value added tax (VAT) ang ilang gamot para sa cancer at diabetes, matapos payagan ang hiling ng mga kumpanya.       Sinabi ni FDA spokesperson Atty. Pamela Sevilla na ang karagdagang VAT-exempt list medicines ay nadesisyunan ng mga kinatawan ng DFA, Department […]