Confidential Funds sa OVP, DepEd boluntaryong iatras
- Published on September 12, 2023
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni dating Congressman Atty. Barry Gutierrez kay Vice President Sara Duterte na boluntaryong bawiin ang request na Confidential Funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa fiscal year 2024.
Sinabi ni Atty. Gutierez na mas mainam kung ang naturang pondo ay ilaan na lamang sa mas higit na pangangailangan ng mamamayan.
“Dito sa Confidential fund hindi mo na kailangan hintayin na kongreso mismo ang kumilos. Mismong si VP Sara, nakikita naman niya na may mga kwestyon dito, nakikita naman niya na may mga pangangailangan ‘yung iba, pwedeng ‘yung OVP mismo ang mag-request na wini-withdraw nila ang kanilang paghingi at Congress na lang ang maglilipat,” sabi ni Gutierrez.
Ang pahayag ay ginawa ni Gutierez bilang reaksyon sa mga katanungan kung maaaring maisagawa ang “re-alignment” sa kasalukuyang budget ng gobyerno.
“Pwede kasi on going pa ang budget process. Isa sa mga function ng kongreso natin habang pinag-uusapan ang General Appropriations Act ay titignan kung ano ba ‘yung mga proposed budget items dito na hindi naman talaga kailangaan,” dagdag ni Gutierez.
Suportado rin si Gutierez para sa reallocating ng pondo para sa ibang sektor tulad sa agrikultura upang makatulong ang pondo na maibsan ang epekto ng price ceilings sa mga retailers.
Aniya, mas mainam na mismong si VP Sara na ang magsagawa ng inisyatibo na bawiin ang kanyang request para sa Confidential Funds habang patuloy na tinatalakay ng Kongreso ang usapin hinggil dito.
-
Ads August 24, 2023
-
Ads June 25, 2022
-
Katuwang si MARJORIE at iba pang naniniwala sa plataporma: ANGEL, nagbahay-bahay para personal na ikampanya si VP LENI
MAGKATUWANG sina Angel Locsin at Marjorie Barretto na nagbahay-bahay para personal na ikampanya si Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nagbahay-bahay ang mga artistang sumusuporta sa kanyang kandidatura, sa pangunguna ng mga aktres noong Sabado sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mula sa pagbisita sa Marawi City ay pinangunahan […]