Congratulations sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble.
Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi na all-Pinoy lang na komperensya ang naisagawa sa katatapos na taon na pinaikli ng Coronavirus Disease 2019.
Napanalunan ang highest individual award na Best Player of the Conference ni Gin Kings guard Stanley Wayne Pringle, Jr.
Dumale ang 33-anyos, 6-1 ang taas na Fil-Am ng 1,640 boto buhat sa mga player, media at Commissioner’s Office upang daigin sina Matthew Wright ng Phoenix Super LPG (1,578 votes), Roger Ray Pogoy (958) at Bobby Ray Parks, Jr.(876) ng TNT, Calvin Abueva (779) ng Fuel Masters, at Christian Jaymar Perez ng Terrafirma (668).
“All the players were deserving,” pahayag ni Pringle sa virtual acceptance rin sa award. “Just being nominated for me was a blessing.”
Kahanay niya sa Elite Five sina teammate Japeth Paul Aguilar, Wright, Abueva at Tropang Giga John Paul Erram.
Ang kakampi ni Pringle na si big man na si Prince Caperal ang nagwaging Most Improved Player, habang do-it-all player ni coach Earl Timothy Cone na si Earl Scottie Thompson ang tinanghal na Aveino ‘Samboy’ Lim, Jr. Sportsmanship award.
Tinapos ni Thompson ang may tatlong taong sunod na pag-uwi ni DanielGabriel Norwood ng Rain or Shine sa karangalan. KJasamang tinalo niya sina Abueva at Perez.
Kinopo naman ni Aaron Black ng Meralco ang Outstanding Rookie na pinalit muna sa Rookie of the Year. Ginapi ng anak ni Bolts coach Norman Black sina Arvin Tolentino ng BGSM, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots. (REC)
-
PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon
NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya […]
-
LIBO-LIBONG MGA TAGA-TAGUIG DUMAGSA SA BBM-SARA UNITEAM RALLY
IPINAKITA ng mga taga-Taguig ang kanilang solidong suporta sa tambalan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at sa kanyang running mate vice presidential frontrunner Mayor Inday Sara Duterte nang dumagsa sila sa grand rally ng tambalan sa Arca South, Taguig City nitong Linggo ng gabi. Umaga pa lang ay may marami nang […]
-
NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na
Isinailalim sa COVID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon. “All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern […]