• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Congresswoman Vilma Santos-Recto, excited na sa magiging apo kina Luis at Jessy

Thankful si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na siya ang kinuha ng “Magpakailanman” para bumida sa special Christmas presentation at all-new episode ng #MPK ngayong Sabado, December 19.

 

“First time ko po kasing makakatrabaho ang dalawang mahuhusay na stage actors and singers na sina Sir Robert Sena at Ma’am Isay Alvarez,” kuwento ni Barbie.  “Yes, napapanood ko na po sila on stage, pero ang makasama sa isang project ngayon lang.  Ang huhusay nila, ang babait pa, at hindi ko rin alam na kalog pala silang pareho, samantalang seryoso at drama ang episode namin.  Pero humugot po ako sa husay nilang umarte.”

 

Nakakaantig sa puso ang kuwento ni Bing (Robert), isang ama na pinatunayan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya.  Pero ang simula ng story ay larawan sia ng isang masayang pamilya, si Bing, si Joji (Isay) at ang anak nilang si Aly (Barbie). Subali’t isang malaking dagok ang kanilang kakaharapin nang magkasakit si Bing at tuluyan nang mawala. Kaya naman laking gulat na lang ni Aly nang makatanggap siya ng sulat mula sa namayapang ama.  Ano kaya ang laman ng sulat na natanggap ni Aly?

 

Huwag i-miss ang “My Ever-Lasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story” mamayang gabi, 8:15PM sa #MPK, mula sa direksyon ni Jorron Monroy.

 

*****

 

Dinadaan na lamang sa biro ni Congresswoman Vilma Santos sa anak na si Luis Manzano at sa fiancée nitong si Jessy Mendiola, na i-advance na ng mga ito ang kanilang magiging apo.  Matagal na kasing ibinibiro ito ni Congresswoman Vi, hindi pa malay silang ma-engaged na dalawa,

 

“Pero ngayon, pwede na talaga, dahil ako ang tuwang-tuwa nang malaman kong natuloy na ang proposal ni Luis,” sabi ni Ate Vi.  “October pa ay alam ko  nang magpu-proposed na si Luis, pero na-delay pa nga at ngayong December na lamang sila natuloy.

 

“Ngayon, sila nang dalawa ang bahala at hihintayin na lamang namin kung kailan nga matutuloy ang wedding nila next year, middle of 2021.”

 

Siguro naman ay hindi na mapipigilan ng issue ng engagement ring ang nalalapit na pagpapakasal nina Luis at Jessy.

 

*****

 

Marami nang nalulungkot dahil simula sa Lunes, December 21, finale week na ng Philippine Adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun,” na pinagtatambalan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Actress Jennylyn Mercado.  Kasama rin nila rito sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.  At ngayong huling linggo, ano kaya ang pasabog nina Capt. Manalo (Dingdong) at Dra. Maxine (Jennylyn)?

 

Kayanin kaya ni Big Boss na ipagpalit si Dra. Maxine sa kuya Rodel (Neil Ryan Sese) nito?  Ang laki ng kasalanan ni Rodel sa ama ni Big Boss na muntik nang ikamatay nito, para patawarin lamang niya.

 

Matiis naman kaya ni Dra. Maxine ang pagmamahal niya kay Big Boss sa kanyang Kuya Rodel?  Tunay na aangat kayo sa upuan ninyo sa panonood ng mga huling eksena ng “Descendants of the Sun PH” mula sa direksyon ni Dominic Zapata, sa huling linggo, pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA-7. (NORA CALDERON)

Other News
  • Scola ambassador ng 2023 FIBA WC

    PINANGALANAN  si Argentina hero Luis Scola bilang Global Ambassador ng FIBA Basketball World Cup 2023 na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.     Bilang ambassador, pangungunahan ni Scola ang pagpo-promote sa FIBA World Cup kabilang na ang draw ceremony na idaraos sa susunod na taon.     Si Scola ang second all-time top scorer […]

  • Bagong utang ng Pinas, aprubado ng World Bank

    INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $178.1-million o  ₱9.7 bilyong pisong loan  o  bagong utang ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pagsisikap nito laban sa malnutrisyon, isang linggo bago pa bumaba sa kanyang tanggapan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Ang “fresh credit” ay para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, na susuporta sa probisyon […]

  • Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike

    ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon.     Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, […]