Constantino at Go fight na fight
- Published on January 30, 2023
- by @peoplesbalita
KUNG ang Thailand Ladies Professional Golf Association Qualifying School first round lang ang batayan, hinog na nga si Lois Kaye Go para umakyat sa pro.
Kumakasa silang dalawa ni ICTSI (International Container Tereminal Services, Inc.) 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg winner Harmie Nicole Constantino sa mga binirang three-under 69 para humanay sa pampito kasama ang apat na Thai Miyerkoles ng hapon sa Watermill Golf Club and Resort sa Nakhon Nayok Province, Thailand.
Nadapa sa pagtatapos si Go, miyembro ng PH team na sumungkit ng gintong medalya sa Indonesia 18th Asian Games 2018 at PH 30th Southeast Asian Games 2019, tapos makaapat na birdie para sa respetadong umpisa sa three-day elims.
Nakatatlong bridie si Constantino para gaya ni Go limang palo lang ang maiwan ng maagang lider na si Thai amateur Achiraya Sriwong. (CARD)
-
Kyrgios at Tsitsipas minultahan ng Wimbledon
PINATAWAN ng multa ng Wimbledon ang sina tennis star Nick Kyrgios at Stefanos Tsitsipas. Ito ay matapos ang naganap na bangayan nila ng sila ay magharap sa ikatlong round ng nasabing torneo. Mayroong $10,000 na multa ang world number 5 na si Tsiptsipas dahil sa unsportmanlike conduct. Itinuturing na […]
-
Filipinas bumaba ang FIFA ranking
Bumaba ang rankings ng Philippine women’s national football team. Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon. Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS. Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay […]
-
Ilang health expert, may paalala sa mga may high blood at sakit sa puso na nagnanais na makatanggap ng bakuna kontra Covid-19
PINAALALAHANAN ni Philippine Heart Association at Cardiologist Dr. Orly Bugarin ang mga mamamayang Filipino na may akit sa puso at high blood na nais magpaturok ng Covid-19 vaccine. Sa Laging Handa briefing ay sinabi ni Bugarin na hindi ipinagbabawal sa kanila ang tumanggap ng bakuna subalit kailangan aniya na siguraduhin ng mga ito na […]