• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte

PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7).

 

Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park.

 

“The project revealed that the proposed floor area is more than five times the 4,997 square meters indicated in the project’s permit and clearance,” wika ni Belmonte.

 

Sinabi rin niya na binibigyan niya ng buong suporta ang nasabing project sa ilalim ng Build Build Build program ng pamahalaan subalit mayroon siyang grave reservations sa maaaring desecration ng kilalang heritage site lalo na kung ang construction ay makaaapekto sa ibabaw ng park.

 

Samantala, kumpyansa naman ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng “win-win” solution pagkatapos ang pagbibigay ng cease at desist order ng Quezon City government sa pagtatayo ng station sa Quezon Memorial Circle.

 

Nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Quezon City government tungkol sa nasabing issue upang mapagusapan ng mabuti at maklaro ang mga iba pang bagay.

 

“We understand that the concern is about the above-ground structure, and that the construction of underground areas may proceed. We are certain that at the end of the day, we will be able to strike a balance and obtain a win-win solution,” wika ni DOTr assistant secretary Goddes Libiran.

 

Ayon naman sa concession holder na San Miguel Corp (SMC) na sila ay makikipagtulungan sa mga stakeholders upang magawa ang project ng konti lamang ang delays kahit na posibleng magkaroon ng redesigning ng station.
“While the order is a set-back, we will do everything we can to make sure we keep to the timetable, and at the same time take into account the mayor’s concerns. This includes revisions to the design,” sabi ni SMC president Ramong Ang.

 

Sa ngayon, karamihan sa ginagawa sa station ay underground at walang major above-ground structure pa ang tinatayo.

 

Ang MRT 7 ay ang 23-kilometer railway na may 13 stations na siyang magdurugtong sa San Jose Del Monte, Bulacan at North avenue sa Quezon City na makababawas sa travel time mula Manila hanggang Bulacan.

 

Inaasahang ang traveltime ay magiging 34 minutes na lamang na kung maging operational ang MRT 7, ito ay inaasahang makapagsasakay mula 300,000 hanggang 850,000 na pasahero kada araw at mayroon itong room capacity pa para sa expansion upang makapagsakay pa ito ng mas marami sa darating na panahon. (LASACMAR)

Other News
  • ‘Betting odds pumapabor sa Warriors bilang title favorite sa NBA crown’

    NGAYON pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors.     Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series.     Maging sa mga mananaya o mga sugarol […]

  • ‘For approval’: 206 big ticket projects sa ilalim ng administrasyong Marcos, pinag-aaaralang mabuti ng NEDA

    MAGLALABAS ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng pinal na listahan ng major projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023.     Kasunod ito ng paunang pagpapalabas ng 7 “high-impact projects” ngayong linggo.     Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay mabuti at sinusuri ng socioeconomic planning […]

  • Ads May 8, 2024