• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City.

 

 

Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, matapos hingan ng tulong ng ina ng 14-anyos na Grade 8 student.

 

 

Base ulat ni P/SSgt.  Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na isinumite sa tanggapan ni P/Col. Amante Daro, hepe ng Malabon Police Station, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling araw, sa loob ng bahay ng pamilya sa Damata, Letre Road, Brgy. Tonsuya.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng biktima, nagising siya nang maramdaman ang maiinit na kamay na humihimas sa kanyang dibdib at nagulat siya nang makita na ang kanyang ama ang gumagawa ng kahalayan sa kanya.

 

 

Kaagad na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang ginawa ng sariling ama kaya’t hindi na nagdalawang-isip pa ang ginang at kaagad na humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

 

Iprinisinta na ng WCPD ng Malabon police sa piskalya ng Malabon ang suspek para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin niyang kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Richard Mesa)

Other News
  • DA, pinalakas ang pagsisikap kontra agri goods wastage

    PINAIGTING ng  Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap nito npara masiguro na mayroong  zero sa  minimal wastage para sa  agricultural commodities sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DA na palalakasin nito ang ugnayan sa mga  industrial buyers para tulungan ang mga producers na maka-secure ng merkado para sa  kanilang produksyon.     […]

  • Batas na nagpangalan kay Fernando Poe Jr. sa Roosevelt Ave, pirmado na ng Pangulo

    OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas naglalayong ipangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Sa pamamagitan ng Republic Act 11608 pinalitan na bilang Fernando Poe Jr. Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.     Ipinag-utos ng batas […]

  • Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.     Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprini­sinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]