• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Iniutos naman kaagad ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek na si Erick Cabides, nasa hustong edad at residente rin sa naturang lugar na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/Cpl Marlon Renz Baniqued na nag-iinuman ang magkakapitbahay sa kanilang lugar sa Block 2 Kadima, Letre Road nang magkaroon ng kulitan hanggang magkapikunan umano ang biktima at ang suspek, dakong alas-11:30 ng gabi.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kainuman ang dalawa subalit habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Yureta, bigla na lang siyang nilusob at pinagsasaksak ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Iginiit naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na walang kaaway o nakagalit sa kanilang lugar ang biktima kaya’t nagtataka sila kung bakit sa malupit na paraan idinaan ng suspek ang kanyang pagkapikon sa kanilang inuman.

 

 

Gayunan, sinabi ni Col. Daro sa panayam na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa nangyaring krimen habang patuloy ang isinasagawang paghahanap sa tumakas na suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • 11th ASEAN Para Games gaganapin na sa Indonesia

    GAGANAPIN na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.     Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.     Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.     Huling ginanap […]

  • MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains

    Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines.   Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng […]

  • Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon

    Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakuna­han sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom.     Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.     Nagkaroon ng pagbabago sa […]