• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, Barangay Catmon, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Tangonan na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Hulong Duhat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PEMS Marlon Garcia, PNCOIC, WSS kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt opertion na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:20 ng gabi sa Gervacio Street, Barangay Hulong Duhat, Malabon City.

 

 

Ani Col. Tangonan, ang akusado na nakatala din bilang top 8 most wanted ng NPD ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Misael Madelo Lagada noong July 5, 2022 para sa kasong Robbery with Homicide.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinapurihan naman ni BGen Gapas ang Malabon police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)

Other News
  • Panunutok ng laser light, itinanggi ng China

    KINASTIGO  ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng PCG, na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.     Sinabi ni PCG advi­ser for maritime security Cmdr. Jay Tarriela na hindi katanggap-tanggap […]

  • DOJ buo ang tiwala sa NBI kaugnay inihaing laban kay Teves

    BUO  ang tiwala ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation kaugnay ng inihaing patong patong na reklamong murder, frustrated murder at attempted murder kay suspended Negros Oriental 3rd District representative Arnolfo Teves Jr.     Ayon Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang buwan itong pinag-aralan ng National Bureau of Investigation kaya naman raw […]

  • ‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’

    HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng […]