• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker nagbigti

ISANG 39-anyos na construction worker ang nagpasyang wakasan ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Malabon City.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Ernie Baroy at PCpl Archie Beniasan, alas-11:50 ng gabi nang madiskubre ng kanyang ina ang biktima na si Jobeth Vicente, 39, na nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa No. 31 Sitio 6, Brgy. Catmon.

 

Kaagad humingi ng tulong ang ina ng biktima sa kanilang mga kaanak na mabilis naman itong kinalas sa pagkakabigti subalit, wala na itong buhay kaya’t ipinaalam na lamang ang insidente sa pulisya.

 

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng biktima sa pagpapakamatay nito habang naniniwala naman ang ina at ang uncle ng biktima na si Jessie Vicente, 62, na walang naganap na foul play sa insidente.

 

Hindi na rin interesado ang mga kaanak ng nasawi sa isasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at gagawa ang mga ito ng kanilang written affidavit. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon

    PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit.     Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]

  • Ads December 1, 2021

  • Mag-ingat sa donation scams

    Pinag-iingat ni House Transportation Committee Chair and Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang publiko laban sa mga manloloko o con syndicates gamit ang nakaka-awang sitwasyon ng mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.   Ang babala ay ginawa ni Sarmiento matapos mabunyag na may isang grupo na gumagamit sa kanyang opisina para manghingi ng pera sa […]