• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker timbog sa 328 grams marijuana

Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio St., Brgy. Daanghari.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Bacog, Block 3, Brgy. Daanghari.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng marijuana.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang pastic ice bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may corresponding standard drug price (SDP) P39,360.00, buy-bust money, at isang eco bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Saso patuloy aayudahan ng ICTSI sa mga torneo

    Marami pang panalo!     TINIYAK ng chief backer ni Yuka Saso na magpapatuloy ang suporta sa Fil-Japanase shotmaker makalipas ang makasaysayang pagkakampeon sa 76th US Women’s Open Golf 2021 nitong Lunes (Linggo sa Estados Unidos).     Ibinahagi ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) ni business tycoon Enrique ‘Ricky’ Razon, Jr., ang tumutulong […]

  • Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

    PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.     Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.     Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]

  • Administrasyong Marcos, itinaas ang borrowing ng 23%, dahil sa domestic debt

    HUMIRAM ang administrasyong Marcos mula sa local at foreign sources sa unang 10 buwan ng taon para itawid ang budget deficit ng gobyerno.     Makikita sa data mula sa Bureau of the Treasury na ang gross financing ng National government ay tumaas ng 23% mula January hanggang October 2024 ng P2.429 trillion, mula P1.975 […]