• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker timbog sa P.2M shabu sa Valenzuela

KULONG ang 50-anyos na construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halalaga ng hinihinalang shabu makaraang matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong suspek na si Ranier Caguitla, 50 ng no. 127 LGP Malhacan, Meycauayan, Bulacan

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na alas-5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt Joel Madregalejo ng buy bust operation sa F. Pantaleon St., Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanyang kasama na nagsilbi bilang poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back up na operatiba saka dinamba nila ang suspek.

 

 

Nasamsam sa suspek ang isang transparent plastic sachet at isang medium size transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang P204,000.00 halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 5-pirasong P1,000 at 6-pirasong P500 boodle money, P100 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Penones ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea

    NAKIISA  ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena  sa ginawang paglulunsad ng  North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.     Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng  Asia Zero […]

  • PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

    Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.   Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020. […]

  • Omicron kalat na sa 15 lugar sa NCR

    KALAT na ang Omicron variant ng COVID-19 sa 15 lugar sa Metro Manila base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH).     Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kanya nang tinukoy na ‘dominant variant’ […]