• April 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022.

 

Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may ilang mali sa pamamalakad ng COVID-19 funds ng Department of Health (DoH).

 

Sa kanyang Talk to the People araw ng Sabado ay sinabi ng Pangulo na maaaring gamitin ng Department of Health (DOH) ang kanyang contingency fund para bayaran ang allowances at iba pang benepisyo ng mga healthcare workers at volunteers.

 

“That’s the reason, again, I have to explain to the people na bakit malaki ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

Sa kabilang dako, binasura naman ng Chief Executive ang pahayag ng ilan na ang kanyang contingency at intelligence funds ay gagamitin para pondohan ang pangangampanya ng kanyang kandidato sa 2022 polls.

 

“Others said I was asking for it because I will use it as a campaign. Wala akong kandidato, hindi ko nga alam kung sino ang tatakbo. Sabagay, politika eh,” ayon sa Pangulo.

 

Giit pa niya, iyong mga taong nag-iisip na gagamitin niya ang pondo ng kanyang tanggapan ay hindi kailanman magiging Pangulo ng bansa.

 

“I pity them because they can never be president. These politicians behave the way they are now, I can assure you, they can never be an administrator of the country,” anito.

 

“Kung sila yun, tingin ko, they will govern miserably,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Pangulo ang kanyang political plans para sa 2022.

 

Magkagayon man, sinabi nito na ang pagtakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022 ay hindi masamang ideya. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 19, 2022

  • 4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds

    HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.     Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.     Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 […]

  • Ads September 20, 2023