• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Convenience store sa Valenzuela ipinasara sa pagsuway sa No QR Code No Entry policy

IPINASARA ng City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) ng Valenzuela ang isang convenience store dahil sa hindi pagsunod sa No QR Code No Entry kaugnay ng paggamit contract tracing application ng lungsod.

 

Kinandaduhan ng mga kawani ng CBIAT ang Alfamart sa La Mesa, Ugong dahil sa hindi pagsunod sa itinakdang paggamit ng ValTrace app.

 

“Ayaw po sana ng City Hall umabot pa sa ganito. Pero sapat sapat na panahon na ang binigay para ang mga commercial establishments natin ay sumunod sa minimum health standards pati na din sa pag implement ng Valtrace. After numerous complaints from clients we decided to shut down this Alfamart branch in Ugong”, pahayag ni Mayor Rex Gatchalian sa kanyang facebook account.

 

Nakasaad sa Valenzuela sa City Ordinance No. 783, Series of 2020 na lahat ng mga kostumer, bisita at empleyado ng mga pampubliko at pribadong establisyemento ay hindi dapat papasuking nang walang ipinakikitang sariling ValTrace-generated unique personal QR Code.

 

Ang mga indibidwal na hindi susunod sa ordinansa ay papatawan ng administrative penalty na Php 1,000.00 sa unang paglabag, Php 3,000.00 para sa ikalawa, at Php 5,000.00 para sa ikatlo o pagkakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw depende sa korte.

 

Ang mga establisyementong hindi susunod ay pagmumultahin ng Php 5,000.00 at suspensyon ng prangkisa o business permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa first offense, Php 10,000.00, 24 hours of community service, at suspensyon ng prangkisa o busi- ness permit hanggang ang paglabag ay hindi nareresolba sa second offense, at Php 15,000.00 at kasnselasyon ng prangkisa o business permit sa ikatlong pagsuway.

 

Samantala, tumanggap ng bisikleta at cell phone na may load mula sa Department of Labor and Employment sa pakkipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) Valenzuela ang 44 mga Valenzuelano beneficiaries mula informal work sector bilang bahagi ng #Freebis Bisekletang Panghanapbuhay program para sa mga kwalipikadong indibidwal upang matulungan silang makapagsimula ng kanilang sariling delivery business. (Richard Mesa)

Other News
  • Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

    HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.     Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang […]

  • Karagdagang financial assistance ibigay sa mga bingi, bulag, pipi at may down syndrome kada taon

    NAIS ni Iloilo Rep. Janette Garin na mabigyan ng karagdagang financial assistance kada taon sa mga taong pipi, bingi, bulag at may mga down syndrome.     Ang panukala ay ginawa ng mambabatas kasunod na rin sa ipinatupad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Iloilo.     “Nararapat lamang po na bigyan ng dagdag […]

  • Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award

    WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023.     Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, […]