CONVERSATION SA PAGTAKBO NI YORME ISKO, FAKE NEWS
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ng Manila Public Information Office (Manila-PIO) ang kumakalat na di-umano’y private conversation kaugnay sa pagtakbo umano sa Presidential race ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Ayon kay Julius Leonen, Manila-PIO chief na ang palitan diumano nila ng mensahe sa isang reporter ay hindi nag-e-exist.
Sa nasabing conversation, nabanggit ang pagsabak ni Domagoso sa pagkapangulo sa ilalim ng 1Sambayanan coalition.
Sinabi rin umano nito na panatilihing sikreto muna ang kanyang sinabi dahil iaanunsiyo na rin naman ito ng alkalde sa tamang panahon.
“Hahahahaha fake. The chat does not exist”, reaksyon pa ni Leonen.
Maaalala na nagpahayag si Domagoso na tiyak na tatakbo siya sa 2022 election ngunit hindi tinukoy kung anong posisyon ang kanyang lalahukan.
Isa rin siya sa mga ‘presidentiables’ ng 1Sambayanan, maging ng Malakanyang. (GENE ADSUARA)
-
Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA
BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host. “I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia. Sa interview ni […]
-
CBCP-ECCCE, nakiisa sa prayer intention ng Santo Papa Francisco na educational emergency
NAKIKIISA ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa prayer intention ng kaniyang Kabanalang Francisco para sa unang buwan ng taon. Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng CBCP-ECCCE, mahalagang maisulong ang pagkakapatiran katulad ng panalangin ng Santo Papa upang mamamayani ang […]
-
Ads June 29, 2022