• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

HINATULANG  “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.

 

 

Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa ulat ng dzBB. Katumbas ito ng parusang hanggang 40 taong kulong.

 

 

Maliban kina Cornejo at Lee, kasamang pinatawan ng parusa ng Taguig court sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz

 

 

“WHEREFORE, premises considered, this court hereby finds acused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC LEE, FERDINAND GUERRERO and SIMEON PALMA RAAZ, GUILTY beyond reasonable doubt for the crime of SERIOUS ILLEGAL DETENTION FOR RANSOM, defined and punished under Article 267 of the Revised Penal Code, as amended; and hereby sentences them to RECLUSION PERPETUA,” ayon sa hatol na nilagdaan ni Presiding Judge Mariam Bien.

 

 

Kanselado na rin ang piyansang inilagak ng mga nabanggit. “Committed” na sa kulungan at hindi na pinalabas sina Cornejo at Raz, bagay na parehong dumalo sa promulgation kanina.

 

 

Isang warrant of arrest na ang inilabas laban kina Lee at Guerrero. Pinagbabayad din ng danyos na P300,000 ang mga akusado bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.

 

 

“All monetaryawards shall earn legal interest rate of 6% per aanum fromthe finality of this Judgment until fully paid,” dagdag pa ng korte.

 

 

“The bailbond/cashbonds posted by them are hereby CANCELLED.”

 

 

Maaari pang iapela ng mga nabanggit ang kanilang sintensya ngunit wala pang pahayag ang kanilang panig tungkol dito.

 

 

Hindi dumalo kanina ang aktor ngunit sinabi ng abogado ni Navarro na nagpapasalamat siya sa kinalabasan ng kaso matapos “makamit ang hustisya.”

 

 

Una nang nasintensyahan ng Taguig court sina Lee at Cornejo ng hanggang tatlong tatlong pagkakakulong matapos ang “grave coercion” case dahil sa pag-atake noon kay Navarro.

 

 

Taong 2022 nang arestuhin si Navarro matapos ireklamo ng acts of lasciviousness at rape ng modelong si Cornejo.

 

 

Gayunpaman, ibinasura ng Korte Suprema ang dalawang kaso ito laban kay Vhong noong 2023. Pinayagan siyang makapagpiyansa noon kahit karaniwang non-bailable ang reklamong rape.  (Daris Jose)

Other News
  • 2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu

    NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at […]

  • WHOSE SIDE ARE YOU ON? MEET ALL THE TRANSFORMERS IN “RISE OF THE BEASTS”

    Autobots, Maximals, Terrorcons. Are you ready for the big battle for Earth in Transformers: Rise of the Beasts? Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the epic action adventure from Paramount Pictures arrives in Philippine cinemas June 7. (Watch the trailer: https://youtu.be/Q36-envs5OU) About Transformers: Rise of the Beasts Returning to […]

  • Maagang suspensyon ng trabaho sa Sept. 27, inanunsyo ng Malakanyang

    INANUNSYO ng Malakanyang ang maagang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa darating na Setyembre 27 para mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makasama ang kanilang pamilya at makapagdiwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.   Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes, nakasaad […]