• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 booster shots, ipinamahagi sa iba pang ahensiya

Muling nagsagawa ang kamara sa pangunguna ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ng isa pang COVID-19 vaccine booster shots nitong Martes sa mga empleyado at dependents nito, maging sa mga kawani ng iba pang government agencies.

 

 

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na nakipag-ugnayan sila sa ibang ahensiya ng gobyerno at inimbitahan ang mga empleyado nito na makakuha ng booster shots sa Batasan Complex.

 

 

Ayon kay Mendoza, tinatayang nasa 50 kawani mula sa Sandiganbayan at Civil Service Commission ang nagparehistro para sa bakuna.

 

 

“May humahabol pero di umabot sa cut-off.  Hopefully after two weeks, mag resume tayo ulit, we’ll have another round of administering the booster shot”, ani Mendoza.

 

 

Ang pagbakuna ay ginanap sa South Wing Annex (SWA) Building.

 

 

Nang tanungin kung may naitalang kaso ng COVID-19 sa Kamara, sinabi ni Mendoza na negatibo ang resulta sa isinagawang antigen testing sa mga manggagawa ng kongreso nitong halos dalawang buwan.

 

 

“Happy tayo, happy si Speaker na at the same time, protektado tayong lahat dito sa House,” pahayag nito.

 

 

Pinasalamatan din ni Mendoza ang mga empleyado at miyembro ng Kamara “na sa labas, nag-iingat din nag-oobserve ng safety protocols.”

 

 

Samantala, sinabi naman ni Medical and Dental Service Director Dr. Luis Jose Bautista na nasa 70% hanggang 80% ng empleyado at miyembro ng Kamara ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. (ARA ROMERO)

Other News
  • Bypass project, mapapalakas ang farming industry sa Bulacan

    MAPAPALAKAS  ng  infrastructure projects sa  Bulacan ang pagiging produktibo ng pagsasaka sa lalawigan.     Ito’y matapos na pasinayaan ang  Arterial Road Bypass Project Phase III (ARBP III) Contract Package 4 sa  San Rafael, Bulacan.     Winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati na binasa ni  Special Assistant to the President Antonio […]

  • DIREK EASY, umaming nagka-anxiety bago pinalabas ang ‘Ben X Jim’

    AMINADO si Direk Easy Ferrer na nagkaroon siya ng anxiety bago ang airing ng first season ng Ben X Jim.     Kasi naman ang daming successful na BL series na naipalabas at marami pa ang nakalinya na ipalabas.     Pero ayon sa kanya, nagpick-up naman sila after the episodes kaya he felt relieved dahil […]

  • 6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card

    Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba […]