• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa bansa higit 507,000 na habang patay nasa 10,116

Nadagdagan pa ng 1,783 ang bagong hawa ng coronavirus disease sa Pilipinas, bagay na nagtutulak sa kabuuang infections sa 507,717, ayon sa Department of Health.

 

 

Kasalukuyan namang nagpapagaling pa ang nasa 30,126 na tinamaan ng COVID-19 na siyang bumubuo sa “active cases.”

 

 

Kamamatay lang ng 74 pang kaso, kung kaya’t umabot na sa 10,116 ang pumapanaw sa Pilipinas kaugnay ng virus. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 467,475 kataong dati nang dinapuan ng sakit.

 

 

Lugar na may pinakamararaming fresh cases

 

Quezon City, 99 (general community quarantine)

Rizal, 83 (modified general community quarantine)

City of Manila, 78 (GCQ)

Bulacan, 69 (MGCQ)

Cavite, 66 (MGCQ)

 

 

Bagama’t Lungsod ng Quezon ang numero uno pagdating sa mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, napapansin na sa ngayon ng Department of Health ang labis na pag-angat ng infections labas sa Metro Manila. Ang hinala ng kagawaran, may kinalaman ito sa pag-uwi ng marami sa probinsya nitong holiday season.

 

 

“Makikita po natin [ito] sa region ng [Cordillera Administrative Region], sa Region II, sa Region V, sa Region VII, XI, XII and [Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao],” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina.

 

 

“Kung matatandaan po ninyo, noong nag-holiday po tayo, nag-uwian po ang ating mga kababayan, maaari sa kanilang probi-probinsya. Nagkaroon din po siguro ng mga salo-salo ang celebration, and all of these things might have contributed to the increase in the number of cases in the other areas.”

 

 

Halos 95 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na ‘yan, 2.05 milyon na ang yumayao.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 13, 2022

  • Mapayapa, violence-free polls sa May 9 national at local elections

    MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.     “Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. ‘Wag ninyo gawin iyan  because I would still be here to oversee […]

  • 3 kelot dinampot sa baril sa Malabon

    SA loob ng kulungan gugunitahin ng tatlong lalaki ang Semana Santa matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nakatanggap ng impormasyon ang […]