• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 60K kada araw – OCTA

Muling nagpalabas ng panibagong babala ang OCTA Research Group kahapon sa pagsasabing maaaring umabot sa 60,000 ang arawang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila lamang sa pagtatapos ng Setyembre.

 

 

“Ang nakikita natin ay ‘yung active cases natin maaaring umabot ng 60,000. Baka 70,000 mataas na ‘yan,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro OCTA Research.

 

 

Sinabi rin ni Guido na hindi pa tapos ang patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso.  Maaaring maganap ang ‘surge’ nito sa kalagitnaan pa ng Setyembre kung magpapatuloy ang trend ng mga naitatalang bagong kaso ngayon.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 1.64 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.  Upang masabing bumababa na ang hawahan, kailangang maibaba ito sa 1.0.

 

 

Nitong Agosto 22, nakapagtala ng 36,054 aktibong kaso sa Metro Manila.

 

 

Nagkaroon naman umano ng magandang pagbabago sa sitwasyon ng Metro Manila sa pagsunod sa protocols at polisiya sa loob ng dalawang linggong ECQ ngunit hindi dapat magpakampante dahil sa presensya ng Delta variant.

 

 

“Ibig sabihin, dominant na talaga siya. Siya na ang pinakaprevalent na variant sa Pilipinas ngayon,” dagdag ni David. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-Davao City info officer ni Mayor Sara binigyan di umano ng VIP treatment sa drug raid, walang basehan- Roque

    WALANG basehan ang ulat na binigyan ng VIP treatment sa drug raid sa beach party noong nakaraang linggo ang dating information officer ni Davao City Mayor Sara Duterte.   Nauna nang nakumpirma na si Jefry Tupas ay dumalo sa party noong nakaraang linggo subalit umalis ng party bago pa isinagawa ang raid kung saan ay […]

  • Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia

    BIGONG  madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.     Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall.     Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa […]

  • PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR

    PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City.     Dumating si Pangulong Marcos  sa lamay  ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, […]