• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA

NAKAPAGTALA ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron.

 

 

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng ­average na 85 na kaso nitong nakalipas na linggo na mas mataas sa 79 average ng sinundang linggo.

 

 

“The NCR had a one week growth rate of 7% as the 7-day average in new Covid-19 cases increased from 79 (as of April 17 to 23) to 85 (as of April 24 to 30),” tweet pa ni David.

 

 

Samantala, ang reproduction number sa NCR ay tumaas din sa 0.79 mula sa dating 0.66 sa kahalintulad na panahon.

 

 

Ang healthcare utilization para sa CO­VID-19 naman ay nananatili aniyang nasa very low sa 21% habang ang intensive care unit utilization ay nasa 19% naman.

 

 

“The positivity rate in the NCR remained at 1.4% over an average of 11,544 tests per day,” dagdag niya.

 

 

Paglilinaw naman ni David, nananatili pa ring nasa low risk sa COVID-19 ang NCR hanggang noong Abril 30, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

    INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.     Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga […]

  • Pinas, masusing nakasubaybay sa US presidential race — Amb. Romualdez

    MAHIGPIT na nakasubaybay ang Pilipinas sa US presidential para kagyat na makita ang anumang pagbabago sa liderato bilang oportunidad na baguhin ang pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang bansa. Pinaigting naman ang security engagements sa pagitan ng defense treaty allies sa ilalim ni US President Joe Biden at sa counterpart nito na si Pangulong […]

  • Character Posters Revealed: ‘The Garfield Movie’ Brings Furry Fun This Summer

    FEAST your eyes on the freshly released character posters for “The Garfield Movie,” hitting theaters May 29. Join Chris Pratt and a stellar cast for a lasagna-filled journey of laughs.     This summer, prepare to be whisked away on a delightful journey with “The Garfield Movie,” as it brings to life the beloved comic […]