COVID-19 cases tataas pa – DOH
- Published on June 26, 2020
- by @peoplesbalita
Mismong Department of Health (DOH) na ang nagsabi na inaasahan na rin nilang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagpapaluwag ng pamahalaan sa ilang panuntunan matapos ang higit dalawang lockdown.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi naman ibig sabihin nito na dapat mabahala ang publiko.
Dahil kung ang ahensya raw ang tatanungin, sapat at kaya pa ng health system capacity ng bansa ang paghawak sa mga kaso ng sakit.
“Atin pong ine-expect na tataas pa rin ang kaso habang unti-unti nating binubuksan ang ating ekonomiya, bahagyang linuluwagan ang community restrictions at patuloy na tumataas ang ating testing capacity,” ayon sa opisyal.
“Ngunit ang pagtaas ay hindi umaabot sa punto kung saan mao-overwhelm ang ating health system,” dagdag ni Vergeire.
Simula noong June 1, maraming lugar na sa bansa, kasama ang Metro Manila, ang isinailalim sa general community quarantine.
Kasabay nito ang pagbubukas din ng ilang pampublikong establisyemento. Nagbalik trabaho na rin ang maraming empleyado.
Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na may karampatang hakbang din ang national government para tugunan ang posibilidad ng pagtaas ng mga kaso.
Katulad umano ng ginawa sa ilang bahagi ng Visayas na nakitaan kamakailan ng biglaang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19. (Daris Jose)
-
Speaker Romualdez suportado pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos
BUO ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR). Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas […]
-
Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K
TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito lang Abril 6-8. Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]
-
3 inaresto sa demolisyon sa Tondo, Maynila
INARESTO ang tatlo katao sa nagaganap na demolisyon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo,Maynila . Bahagya namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga demolition team at mga residente na ayaw pa ring lisanin ang kanilang mga tirahan. Paliwanag ni Sheriff Raymundo Rojas ng Metropolitan Trial Court, pinaiiral nila ang humanitarian consideration […]