• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 outbreak sa Pinas, malabo

MALABO umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak, sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw.

 

 

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, sa kanyang palagay ay hindi na mauulit pa ang COVID-19 outbreak na nakita noong kasagsagan ng pandemiya, kung kailan na-stress ang health system ng bansa.

 

 

Sinabi ni Herbosa na ito’y dahil sa ngayon ay mahigit 74 milyong Pinoy na ang nakatanggap ng proteksiyon mula sa COVID-19 vaccines.

 

 

Mayroon na rin aniyang nasa limang milyong indibidwal ang nakakuha na rin ng natural na depensa ng katawan laban sa coronavirus matapos na dapuan sila ng naturang karamdaman.

 

 

“I don’t think there will be large or huge outbreak that will stress the health system,” ayon kay Herbosa, sa panayam ng Headstart ng ANC nitong Martes.

 

 

Dagdag pa niya, ang takot ng mga tao laban sa COVID-19 ay hindi na katulad noong panahon ng pandemiya lalo na at marami nang alam ang tao tungkol sa naturang virus, at alam na rin nilang proteksiyunan ang kanilang mga sarili.

 

 

Tiniyak din ni Herbosa na mas kumpiyansa na ngayon ang mga doktor kung paano nila gagamutin ang mga bagong kaso ng sakit.

 

 

Hindi aniya tulad noong kasagsagan ng pandemya na takot ang lahat, at hindi lamang mga pasyente, kundi maging mga doktor at nurses ang namamatay dahil sa virus.

 

 

Sa inilabas na National COVID-19 Case Bulletin, nakapagtala ang DOH ng 2,725 bagong kaso sa bansa simula Disyembre 12 hanggang 18.

 

 

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389. Ito ay mas mataas ng 50 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Disyembre 5-11.

 

 

Sa mga bagong kaso, 16 ang may malubha at kritikal na karamdaman at 16 na pumanaw.

 

 

Noong Disyembre 17, 2023, mayroong 211 na malubha at kritikal na pas­yente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

 

 

Kaugnay nito, mahigpit na pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

 

 

“Laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate,” dagdag nito.

Other News
  • Gilas 3×3 bigo sa 2 laro nila

    Napakaliit ang tsansa na ngayon ng Gilas 3×3 na maka-abanse sa susunod na round matapos na dalawang beses na silang natalo sa mga laro nila.     Mayroon ng 0-2 standingn sa Group C ang ranked number 14 na Gilas Pilipinas sa torneo na ginaganap sa Graz, Austria.     Una kasing tinalo sila ng […]

  • Kung kailan pa nagka-edad saka pa napasabak: JOKO, walang kiyeme sa mga daring scenes nila ni AYANNA

    KUNG kailan pa nagka-edad ang dating action star na si Joko Diaz ay saka pa siya napasabak sa matitinding love scenes tulad na ginawa niya sa Siklo at ngayon naman sa bagong sexy-psycho-thriller movie ng Viva Films na Kinsenas, Katapusan.     Base sa trailer ng pelikula, wala ngang kiyeme si Joko na daring scenes […]

  • LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

    May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.     Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.   […]