• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.

 

 

Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat ni David na umabot na sa 1,337 ang bagong kaso ng Covid sa buong bansa.

 

 

389 na kaso mula sa kabuuang bilang ay nagmula naman sa National Capital Region.

 

 

Nakapagtala rin ng mga bagong kaso ng Covid sa Cavite na mayroong 88 na kaso, Bulacan (76 na kaso), Laguna (66 na kaso ), Rizal (58 na kaso ), Iloilo (52), Pampanga (45), Isabela (42), Cagayan (41), Batangas (34), Bataan (32), Pangasinan (28), Quezon (26), Nueva Ecija (25), at Cebu (20)

 

 

Samantala,ang kabuuang caseload naman ng covid 19 sa bansa ay pumalo na sa 4,147, 12 9 na kung saan ang 14, 398 dito ay mga aktibong kaso.

Other News
  • Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

    Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.   Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.   Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.   Sinabi naman […]

  • Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez

    HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.     “I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng […]

  • ‘No-mask Christmas’ posibleng makamit – Palasyo

    Naniniwala ng ilang mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.     Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses […]