COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 13.1 percent – OCTA
- Published on December 23, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA ng may 13.1 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Disyembre 20.
Ito ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group ay mula sa 14.5 percent na positivity rate noong December 13 o may 404 bagong kaso mula sa dating 447 bagong kaso ng virus.
Iniulat din ni David na bumaba naman sa 0.91 ang reproduction number sa NCR.
Ipinaliwanag pa nito na kapag wala pa sa 1 ang reproduction number ay nangangahulugan na mabagal ang hawaan ng virus sa lugar.
Sa ulat ng Department of Health, may 823 bagong kaso ng COVID-19 cases o may 4,058,465 active cases sa bansa.
-
MGA BARANGAY TANOD SA TONDO, ISINAILALIM SA TRAINING AT SEMINAR
ISINAILALIM sa pagsasanay ang mga barangay tanod at iba pang opisyal ng barangay sa unang distrito ng Maynila sa Tondo upang maging bihasa at magkaroon ng kaalaman kaugnay sa kanilang tungkulin. Ang nasabing pagsasanay ay inilunsad ng kapulisan sa pangunguna ni Manila Police District (MPD) Station 1 commander P/Lt. Col. Rosalino Ibay, Jr. […]
-
Inialay ang tropeo kay Kiko at sa mga anak: Parangal kay SHARON, pinaka-highlight ng first-ever ‘Gawad Banyuhay Awards’
HINAHANAP kita sa awards night, Rohn Romulo, dahil ang highlight ng gabi ng parangal ay ang pagdalo ng mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta na recipient ng first-ever Gawad Banyuhay Awards. Pero wala ka, mabuti na lamang at dumating ang Megastar para sa kanyang Gawad Banyuhay Gloria Sevilla Actress of the Year […]
-
Navotas ipapatupad ang bagong oras ng trabaho
MAGPAPATUPAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula Mayo 2, 2024. Ito’y matapos lagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order (EO) No. JRT-016, na nagsasaad ng pagbabago ng oras ng trabaho sa pamahalaang lungsod mula 8am-5pm hanggang 7am-4pm alinsunod sa Metropolitan Manila Council (MMC) Resolution […]