• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA

BUMABA  ng may 7.8 percent ang CO­VID-19 positivity rate sa  National Capital Region (NCR)  nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test.

 

 

Sinabi ni David na ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay 1.54 per 100,000 population nitong November 8, na may one week growth rate na 29 percent.

 

 

Ang Adar ay bilang ng bagong kaso ng virus sa kada 100,000 katao.

 

 

Ang reproduction number o hawaan ng virus sa NCR ay nananatiling mababa na nasa 0.75 nitong November 5 samantalang ang healthcare utilization rate sa NCR ay nananatiling mababa na nasa 26 percent nitong Nov.  7.

 

 

“The current trends, if they continue, could lead to less than 5% positivity rate and about 100 new cases per day in the NCR by end of November,”ayon kay David.

Other News
  • Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon halaga ng shabu sa Navotas

    Arestado ang isang barangay tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, (pusher/ listed) ng Blk 34 Taurus […]

  • Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr

    INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign.     Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Dis­yembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT […]

  • Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding

    ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana.       Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal.       “As the […]