• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA

Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03.

 

 

Umaasa si David na magtuloy-tuloy ang trend na ito lalo pa noong Hulyo pa nang bumaba sa one ang COVID-19 reproduction number ng NCR bago nagkaroon ng surge.

 

 

Samantala, sinabi ni David na base sa mga projections, ang nakikitang bubuti ang sitwasyon sa mga ospital sa NCR sa mga unang araw hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre.

 

 

Sa isang forum noong Martes, sinabi rin ni David na posibleng nasa last stages na ang Pilipinas sa laban kontra Delta variant, lalo na sa Metro Manila, sa gitna ng patuloy na bumababang reproduction number.

 

 

Sa mga nakalipas kasi aniyang linggo ay bumababa ang naitalalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon.

Other News
  • Natatakpan ng mga bubbles ang private parts: HERLENE, pinakita uli ang alindog habang nasa loob ng jacuzzi

    PABULA ang unang Instagram post ni Herlene “Hipon Girl” Budol para sa bagong taon na 2024.     Alindog ang pinakita ni Herlene habang nasa loob siya ng isang jacuzzi. Natakpan ng mga bubbles ang maseselang parte ng katawan ni Herlene habang nagpo-pose ito. Pero may suot naman siyang red bikini bottom.     Nilagyan niya […]

  • PAG-ARESTO SA MGA RALIYISTA, IDINEPENSA NG MPD

    IDINEPENSA ng Manila Police District (MPD)  ang ginawang pag-aresto at pagtaboy sa mga kabataang rallyist na nagkasa ng anti-Balikatan protest sa harap ng US Embassy .     Ayon kay MPD P/Major Philipp Ines, ang nasabing grupo ay walang mga permit para magsagawa ng kilos protesta.     Aniya ipinatutupad pa rin nila ang maximum […]

  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]